Sino kaya si Mr.Isolde? Hehe, di ako sure kung may update ako bukas. Sunday kasi. Happy Weekend.
Matapos bumili ng sasakyan ni Beatrice ay magiliw itong nagpaalam sa kanilang lahat. Habang pinagmamasdan ni Graciella ang papalayong bulto ng babae, pakiramdam niya hindi natural ang ikinikilos nito. Gayunpaman, ipinagsawalang bahala niya muna ang nararamdaman niya at bumalik na sa trabaho.Makalipas ang ilang sandali, isang matandang lalaki ang dumating sa shop nila. Nakasuot lang ito ng isang simpleng damit.Subalit sa shop na kagaya ng Dynamic Luxury, hindi mainam ang ganung klaseng pormahan. At kung titingnang maigi, iisipin ng makakakita dito na walang pera ang lalaki kaya hindi ito pinansin ng mga empleyadong naroon.Umiinom si Graciella ng tubig nang mamataan niya ang matandang lalaki na nakaharap sa isang luxury car. Para bang nahahalina ang mga mata nitong pagmasdan ang sasakyan."Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon ang ganyang klaseng customer, Graciella. Siguradong hindi naman yan bibili. Sayang lang sa oras mo," pigil sa kanya ng isa sa mga kasamahan niya.Tipid na ngumiti
Lumipas ang ilang araw kung saan tuluyan ng gumaling si Drake at maging ang sprain niya sa paa kaya't napagpasyahan na niyang pumasok na sa trabaho. Kung noon ay siya ang naghahanda ng agahan para sa kanila ni Drake, ngayon ay magkatuwang na sila. Kahit pa sinabihan na niya ang lalaki na siya na ang bahala, hindi naman siya nito hinahayaan."Ihahatid na kita sa trabaho mo," anito nang matapos silang kumain."Hindi na, magcocommute nalang ako," kaswal niyang tanggi. Naalala niyang naiwan niya nga pala ang scooter niya sa shop noong nakaraan.Pero mariin na umiling si Drake. "Just let me send you to work, Graciella. Sa kotse ka na sumakay at ipagmamaneho kita.""Pero...""No buts."Napailing nalang siya at sinundan ito ng tingin. Parang wala naman yata siyang pagpipilian kundi pagbigyan ang lalaki.Gaya ng nais nito, hinatid siya ng lalaki sa pinagtatrabahuhan niya. Nang pumasok siya sa loob ay agad na bumungad sa kanya ang mapanuksong ngiti ng mga kasama niya.Habang nasa loob siya ng
Nangunot ang noo ni Graciella nang makita ang babae. Wala pang ibang nakakalaam na narito si Drake sa ospital bukod sa kanya kaya nakapagtatakang nandito na ang dalaga."What happened to Drake? Bakit siya nandito sa ospital? Is he alright?" Sunod-sunod nitong tanong at kulang nalang maglupasay sa iyak."Nagkaroon siya ng diarrhea," kaswal niyang sagot."What? Bakit? Ano bang pinakain mo sa kanya? Dapat ay nag-iingat siya sa mga kinakain niya! Oh God! I'm so worried."Bagama't alam ni Graciella na kasalanan niya ang nangyari, hindi niya gusto ang paraan ng pagsasalita nito at pag-aalala sa asawa niya. Daig pa nito ang tunay na asawa kung makaasta na siyang ikinaiinis niya."Paano mo nga pala nalaman na nandito kami?" Tanong niya sa babae.Kita niyang natigilan naman si Beatrice sa tanong niya pero maya-maya lang ay mabilis na nakahuma. "I just got discharged. Nakita kita kaya sinundan kita and that's where I saw Drake lying in the hospital bed," pagdadahilan pa nito.Sandali niyang tin
Nakahiga lang si Graciella sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame. Ilang oras na ang nakalipas mula ng makauwi sila ni Drake galing sa lakad nila. Hanggang ngayon ay patuloy parin sa paglalaro sa isipan niya ang sinabi ng lalaki kanina.Kahit hindi siya masyadong nakakaintindi ng Japanese, nakuha niya parin kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang binitawan ni Drake. At sa totoo lang, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig."I'm not asking for your answer right away. I'm willing to wait, Graciella... hanggang sa masabi mo rin sakin ang mga katagang nais kong marinig mula sayo," dagdag pa nito.Hindi siya nagsalita hanggang sa makauwi nalang sila sa apartment nila. May parte ng puso niya na nais tugunin ang sinabi nito pero maraming bagay rin ang pumipigil sa kanya.Bumuntong hininga siya bago marahang hinaplos ang kanyang tiyan. Pagbibigyan nga ba niya si Drake sa nais nito at susubukang buuin ang pamilya nila? Magiging masaya nga kaya talaga sila?Nasa ganung kaisipan siya n
"Ihinto mo diyan," utos ni Graciella kay Drake.Hindi naman nagreklamo ang lalaki at agad humanap ng pwedeng iwanan ng kotse nito. Nang makababa sila ay inilinga ni Drake nag tingin sa paligid."Anong gagawin natin dito?"Ngumiti siya bago itinuro ang nakahanay na stall sa unahan kung saan marami ding tao ang naroon. "Fiesta sa lugar na'to kaya maraming tao at kasiyahan. Plano kong kumain ng street foods. Sasamahan mo ba ako?"Napakurap-kurap si Drake at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa street foods. Lihim na napangiti si Graciella. Sigurado siyang hindi pa ito nakakakain ng ganitong klaseng pagkain. "M—malinis ba ang pagkain diyan?" Bigla nitong tanong.Mahina namang natawa si Graciella. "Oo naman no! Bakit? Hindi ka pa ba nakakakain ng street foods sa tanang buhay mo?" Makahulugan niyang tanong.Napakurap-kurap naman si Drake. Graciella's eyes has a meaningful spark. Para bang sinusubukan siya ng babae. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng kanyang asawa."Hindi pa da
Muntik ng maibuga ni Graciella ang kanin sa bibig niya dahil sa kanyang narinig. Agad niyang dinampot ang tubig na nasa kanyang mesa at mabilis na nilagok. Mataman namang nakamasid si Drake sa kanya na mas lalo niyang ikinaasiwa."Anong sabi mo? Date?" Hindi makapaniwala niyang tanong."Yes," walang gatol na sagot ni Drake."Bakit tayo magdedate?"Humugot ng hangin si Drake at ipinagsalikop ang mga palad. "Hindi tayo nagsimula sa ganung estado, Graciella. We got married in an instant without any feelings to each other. Kaya naman naisip kong pormal na ligawan ka kahit pa kasal na tayong dalawa."Walang buhay siyang natawa. Ano bang nagawa niya at biglang naging ganito na ang lahat? Wala naman ito sa plano."Paano kung hindi ako papayag?""Then I won't stop asking you."Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi habang nag-iisip kung paano niya babaguhin ang utak ni Drake. Maya-maya pa'y isang bagay ang pumasok sa isipan niya."Hindi kita gusto. Wala akong feelings sayo kaya wala kang map