Naiyukom ni Oliver ang kanyang palad. Kung sakali man na may nangyaring masama kay Levine, hindi nila kakayanin ang galit ng mga Yoshida lalo na ang dalawang matanda.Agad namang namutla ang mukha ni Beatrice sa narinig kasabay ng paglapit niya kay Oliver. "Anong nangyari kay Levine, Kuya? Pumunta siya doon para iligtas ako, hindi ba?"Sarkastiko namang natawa si Oliver. "Yeah and if something bad happens to him, kasalanan mo ang lahat!" Nayayamot niyang bigkas.Dahan-dahang siyang binitawan ni Beatrice at napayuko. Nakaramdam naman ng konsensya si Oliver. Alam niyang kanina pa mainit ang ulo niya sa kapatid niya at kung anu-ano ang nasasabi niya dito. Akmang hihingi siya ng dispensa nang makita niyang yumugyog ang balikat ni Beatrice. Akala niya ay umiyak ito pero laking gulat niya nang mapagtanto niyang tumatawa ang kapatid niya!"Nababaliw ka na ba?" Kunot noo niyang bigkas."Of course not! Natutuwa lang ako dahil sa kabila ng sinasabi niyang ayaw niya sakin, here he is, almost sac
Last Updated : 2025-07-14 Read more