Matapos niyang makapirma ng kontrata, nagpaalam na siya kay Sir Arman. Sakto at malapit ng mag-alas singko pa ng hapon. Balak niyang magpasa ng resignation letter sa Dynamic Luxury para mas mapadali ang pag-alis niya sa kumpanya ng kanyang asawa bago nito malaman ang mga balak niya.Naglalakad siya sa labas nang makasalubong silang muli ni Sir Isagani. Agad nang ngumiti ang matandang lalaki nang makita siya."Maraming salamat nga pala ulit, Sir Isagani," magiliw niyang sambit."Walang anuman, hija," anito sa malumanay na tono."Aalis na po ba kayo?" Tanong niya nang mapansin na malapit narin ito sa exit."Naglakad-lakad lang para makalanghap ng sariwang hangin, hija."Mataman niyang pinagmasdan si Mr.Isolde, kahit na nakangiti ito sa harapan niya, may nababanaag siyang lungkot sa mga mata nito na pilit nitong itinatago.Muli niyang naalala nang magawi ang lalaki sa Dynamic Luxury para bumili ng sasakyan. Kung bibilangin, ngayon ang araw na sinasabi nito na kaarawan ng asawa nito. Suba
Last Updated : 2025-07-08 Read more