"Grandma Celestina!" Gulat niyang sambit.Maging si Drake ay natigilan din sa nakita nito at mabilis na napalis ang nakabusangot nitong mukha at napalitan ng pagkabigla."Good evening. Nandito kami para bisitahin ka, apo," masaya nitong sambit at sinulyapan pa ang asawa nito."Magandang gabi po," magalang niyang bati sa dalawa.Agad na napahilot ng sentido si Drake bago nagsalita. "Ayos lang ako, Grandma. Hindi niyo na kailangan pang pumunta dito. Isa pa, dapat ay tumawag kayo bago kayo nagpunta dito."Ramdam niya ang inis sa boses ni Drake dahilan para marahan niyang kinurot ang tagiliran nito bago matamis na ngumiti sa dalawang matanda."Pasok po kayo, Grandma, Grandpa," aniya at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.Agad na pumasok ang dalawang matanda pero nang tumapat si Grandma Celestina sa gawi ng asawa niya ay napahinto ito at sinipat ng tingin ang lalaki."Galit ka ba kasi naistorbo namin ang ginagawa ninyong dalawa?" Tanong nito sa mapanuksong boses.Agad na nanlaki ang kanya
Terakhir Diperbarui : 2025-07-16 Baca selengkapnya