Mabilis namang umiling si Graciella at nagtangkang ibalik sa ginang ang card at alahas nitong dala. "Sobrang mahal po ng mga iyan, Grandma," reklamo niya."Ano naman ngayon kung mahal? Para sa iyo yan kaya tanggapin mo na," anito at muling itinulak pabalik sa kanya ang alahas at card?Sa pagkakataong iyon ay sumingit naman si Wilbert. "Tama si Mommy, Graciella. Para sa iyo yang alahas kaya tanggapin mo na. Wala akong ideya sa mga ganyan dahil praktikal akong klase ng tao kaya naman, bibigyan nalang kita ng tatlong luxury mansion. Nandito na ang mga property certificates at lahat ng ito ay nakapangalan na sa iyo," anito at agad na ibinigay sa kanya ang isang makapal na black envelope.Lihim namang nagmamasid si Beatrice sa mga nangyayari. Isa sa mga properties na ibinigay ni Wilbert kay Graciella ay isang high-rise river front mansion na nasa gitna ng siyudad. Kung hindi siya nagkakamali, nasa one hundred million ang halaga ng bahay na iyon!Kahit na mayaman ang pamilya nila, para sa
Last Updated : 2025-08-27 Read more