Share

Kabanata 537

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-08-28 20:19:40

"Ano yung sinabi mo, Beatrice?" Kunot noong tanong ng ginang.

Kahit na maingay sila gawa ng masaya sila sa pagbabalik ni Hannah, hindi talaga nakaligtas sa kanya ang mga sinabi ni Beatrice at hindi talaga siya pwedeng magkamali.

Nataranta naman si Beatrice sa naging tanong ni Grandma Hermania. Hindi niya inaasahan na sa matanda na nitong edad ay matalas pa ang pandinig ng ginang.

Hilaw siyang ngumiti bago nagsalita. "Wala po, Grandma. I'm just happy about Hannah's comeback," pagsisinungaling niya.

Subalit imbes na paniwalaan siya ay mas lalo pang umasim ang ekspresyon ng mukha nito. "Pero narinig ko ang lahat ngayon-ngayon lang and the purpose that I asked you is that I'm giving you a chance to be honest."

Lumingon ang lahat sa kanya dahilan kaya nangapal sa hiya ang mukha ni Beatrice. " Grandma... Nagkakamali po kayo—”

"Enough! Kahit na matanda na ako, hindi naman ako bingi. Akala ko mabait ka at masaya ka para sakin dahil nagbalik na ang apo ko pero hindi pala. Ito ang panahon para
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 553

    "May naiisip na po na kayong paraan, Mrs.Yoshida" Curious na tanong ni Owen.Tumango naman si Graciella. "I already have but first of all, pwede bang kagaya noon, Miss Graciella nalang ang itawag mo sa akin?"Napakamot naman ng ulo si Owen. "Utos po kasi ni Master Levine. Baka kapag sumuway ako pagagalitan niya ako."Napanguso si Graciella bago muling nagsalita. "Kung ganun ay tawagin mo lang ako ng ganyan kapag nandyan siya. Okay ba yun?"Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila pero sa huli, wala ring nagawa pa si Owen kundi ang sumang-ayon. "Masusunod po, Miss Graciella."Tuluyan ng napangiti si Graciella nang marinig ang itinawag sa kanya ni Owen at iniabot na niya ang compact powder na hawak niya.Nanlaki naman ang mga mata ng huli. Compact powder? Kanino ba iyon? Hindi lang ba ang nanakit kay Mrs.Nagamori ang hanap ni Graciella kundi maging ang babae ni Master Levine? Parang nais niyang kaltukin ang ulo niya. Bakit niya ba naisip ang mga bagay na iyon gayong mahal na

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 552

    Hindi mapigilan ni Beatrice ang maging emosyonal. At least kakampi niya si Uncle Wilbert na akala niya ay naroon din sa tabi ni Graciella. "Kung ganun ay ano ba ang dapat kong gawin, Uncle Wilbert? Tell me how can I make Levine mine. Because honestly, hindi ako mabubuhay kapag hindi siya mapapasakin, Uncle..."Parang pinira-piraso ang puso niya sa kaisipan na muling magpapakasal ang dalawa at may engagement ring na si Graciella. Idagdag mo pang umalis ang dalawa na magkahawak kamay. Parang sasabog ang ulo niya sa labis na selos."Okay. Come a little closer, hija," anito na agad naman niyang sinunod.Nang makalapit siya ay bumulong sa kanya ang lalaki. Nang matapos nitong sabihin ang bagay na nais nito at humakbang paatras ng dalawang beses si Beatrice at kunot noong tinitigan ang lalaki."Are you really sure it will work?" Paninigurado pa niya."Of course! You have my support, Beatrice. How can it not work?"Kung pagbabasehan lang ang sitwasyon ngayon, there's a big chance that she w

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 551

    Napayuko naman siya dahil sa hiya. Kinagat niya ng pang-ibaba niyang labi at hinintay na umalis ang lalaki subalit naglakad ito palapit sa kanya at huminto ilang dangkal ang layo sa kinatatayuan niya. Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin at nakitang inabutan siya ng lalaki ng panyo."Don't worry. Malinis yan.""Thank you," mahina niyang sambit at tinanggap ang panyo."Wag ka ng malungkot, Beatrice. Magiging maayos din ang lahat. Maya-maya lang, mawawala na ang inis ni Mommy sayo. Nagalit lang naman yun kasi naingayan gawa ng nagpapahinga pa siya. Isa pa, hindi ka matitiis nun. You are her god-daughter and that Graciella is a fake. Hindi ka na dapat pang makipagkumpitensya sa kanya. Kapag humupa na ang tensyon, lambingin mo lang si Mommy then the two if you will be okay..."Sa narinig niya ay mas lalo lang siyang nalungkot. Pinrotektahan nito si Graciella kahit paman sa katotohanan na hindi ito tunay ba apo ng ginang samantalang siya na inaanak nito, pinagalitan siya at pinahiya sa h

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 550

    Nang makalayo na sina Drake sa kinaroroonan ni Beatrice ay huminto siya para suyurin ng tingin ang kabuuan ni Graciella."Ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ni Beatrice?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.Tipid naman itong nyumiti bago umiling. "Nope. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako sumugod doon kung alam kong madedehado ako."Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Kahit na. You should've reconsidered going after her. Baka mamaya masaktan ka niya at mapahamak kayong dalawa ng baby."Napanguso si Graciella bago lumapit sa kanya. Nitong mga nakaraan lang, napapansin niyang nagiging magkaugali na ito at ang pusa nitong si Molly. Bigla-bigla nalang itong lumalapit sa kanya at lumilingkis na parang pusa.And though he likes that gesture of her, sigurado naman siyang ginagawa lang iyon ni Graciella para makalusot ito o hindi kaya ay may hihingin na pabor sa kanya. But what can he do? He loves her and wanted to spoil her. Makakapareklamo pa ba siya?"Sorry,"

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 549

    Nanlaki ang mga mata ni Beatrice at marahas na napalingon kay Graciella. "You bîtch! How dare you!" Puno ng gigil niyang asik.Napakahinhin at malambing ni Graciella sa lahat kanina tapos ngayong silang dalawa nalang, walang pag-aalinlangan siya nitong sinaktan?!Sarkastiko namang natawa si Graciella. "How dare me? Those should be my lines, Beatrice! How dare you cause a ruckus inside gayong hindi pa magaling si Grandma Hermania! Ni hindi mo man lang naisip na baka makaapekto sa kanya ang ginawa mo! Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Pananagutan mo ba?!" Puno ng galit na sambit ni Graciella."Wala ka ng ibang inisip kundi ang sarili mo at kaligayahan mo! Mahal na mahal ka ng tao. Pero anong isinukli mo sa kanya? Ang pagiging makasarili mo!"Nangapal naman ang mukha ni Beatrice sa hiya. Hindi niya inaasahan na pagagalitan siya ng isang kagaya lang ni Graciella. Wala pang ibang tao ang nakasinghal sa kanya pwera lang sa Kuya niya at ni Levine and now her?Damn it!"Sino ka ba sa

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 548

    Agad na namutla si Beatrice sa kanyang narinig. Nang inilinga niya ang kanyang tingin sa paligid ay nasa kanya ang mga mata ng lahat dahilan para makaramdam siya ng pangangapal ng mukha. At dahil sa labis na hiya, wala na siyang mapagpipilian pa kundi lisanin ang silid ni Grandma Hermania.At habang naglalalad siya palabas, nangngingitngit ang kalooban niya. Bakit ba ang hirap ipaintindi sa mga ito na masamang tao si Graciella? Tapos siya na itinuring na apo ng matandang babae sa loob ng mahabang panahon ay pagagalitan nito ng ganun-ganun nalang? Talagang mas papaboran pa nito ang babaeng kelan lang nito nakilala?Mukhang hindi na yata marunong tumingin ang ginang kung ano ang tama at mali. Kaya pala nakarma ito at nawalan ng apo. Well, judging from what she did to her now? She deserves those years of misery. Kung bakit ba hindi nalang ito natuluyan nang matumba ito sa labas ng silid ni Graciella? Mas malaki pa ang tsansa ng matandang babae na makita si Hannah at ang anak nitong si W

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status