"Kailan ka pa lalayas sa law firm ko?" mainit na tanong ni Giovanni."Simple lang!" sagot ni Luna, ngiting-ngiti pa. "Tangapin mo lang ang kaso ko, aalis na ako."Sa bahay ng pamilya Cortez.Si River ay abalang-abala sa pag-scroll sa Insta, hawak ang cellphone na parang may tinatapos na nobela.Nilapitan siya ni Justine, dala ang prutas. "Gabi ka na nga nagtrabaho, hindi ka pa natulog. Ano bang tinitingnan mo riyan?""Ang makulay na kwento ng love-hate relationship ng kuya ko at ng girlfriend niya," sagot ni River habang hindi inaalis ang tingin sa screen.Para lang sa chismis, sumali pa siya sa group chat ng mga staff sa law firm ni Giovanni. Buong araw siyang nanonood ng live updates sa kwento nina Luna at Giovanni para raw siyang nagbabasa ng possesive ceo romace novel."Si Luna?""Alam mo rin pala?"Tumango si Justine, sabay ngiti. "Ako rin, updated.""Tara na, chismisan na!""Alam mo ba, muntik na akong mamatay sa sobrang chismis tungkol sa inyo ni Giovanni habang nasa abroa
Terakhir Diperbarui : 2025-06-10 Baca selengkapnya