"Illegal imprisonment? Lola ko 'yon ano ba dapat kong gawin kundi alagaan siya?"Ang tinig ni Luna ay puno ng sarkasmo habang kausap sa telepono si Vincent.Sa papel, oo nga’t siya ang tinatawag na President Gray, pero kung tutuusin, isa lang siyang walang lamang titulo.Kung hindi pa naawa si Ephraim ang kanilang ama sa kawalan ng direksyon niya sa buhay at binigyan siya ng parte sa logistics park para lang hindi siya masabing inutil, wala siyang kahit anong pag-aari."Hangal," bulalas ni Luna matapos ibaba ang tawag.Sa galit, hinagis niya ang telepono sa kama at nagtalukbong ng kumot.Nakatulog siyang masama ang loob.Kinabukasan, madilim pa sa labas, bigla siyang ginising."Maghilamos ka na, gisingin ang sarili mo matulog ka na lang ulit sa kotse."Napakunot ang noo ni Luna habang pilit inaangat ang sarili mula sa kama."Saan naman tayo pupunta ng ganitong oras?"“Nga
Huminto si Giovanni sa paglalakad. Tila isinara ng katahimikan ang buong paligid.Napilitang ngumiti si Christopher, pilit inaayos ang tensyon. "Kayo naman kasi, naging magkasintahan man lang kahit isang araw."Matalim ang tingin ni Giovanni nang lingunin siya. At sa malamig na tinig, mariing winika:"Kung wala kang maayos na sasabihin, tumahimik ka na lang."Tumigil si Christopher. Walang makasagot sa tahas at matalim na pagkakasabi ni Giovanni. Kahit hindi niya tahasang inamin, ang galaw, titig, at katahimikan nito ay nagsisigaw ng isang bagay, May pinoprotektahan si Giovanni.At alam nilang lahat kung sino iyon."Galit ka ba?" tanong ni Kim habang lumalapit,
“Sakto ang katahimikan, para marinig ng lahat ang pinag-uusapan niyo,” malamig na sabi ni Luna, habang unti-unting nilingon ang grupo ng mga nagbubulungan.Parang may humigop ng hangin sa paligid ang mga bisita sa paligid ay nagsimulang mag-unahan sa pagtingin, iniunat ang mga leeg, abot-abot ang pagkamausisa.Hindi walang saysay ang titulo ni Luna bilang "Number One Lady" ng Manila. Mula noon pa'y kilala siya sa pagiging mapagtanim ng galit at kapag pinalad kang mapabilang sa kanyang listahan, wala kang ligtas.Namula ang pisngi ng mga naroroon. Halatang napahiya. Pero may isa sa kanila ang nagpakatapang.“Luna, hindi ka ba OA? Kalayaan sa pananalita ang batas dito. Anong sinabi namin na may kinalaman sa'yo?”Mabagal na iniangat ni Luna ang mga mata, malamlam pero matalim. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.“Tama naman. Ang sinasabi n’yo, wala akong pakialam pero kapag ako ang paksa n’yo, doon na nagkakaroon ng saysay ang pakialam ko.”“May ebidensya ka ba?” pangaha
"Ang tie clip na 'yan na may ginto’t jade hindi ‘yan basta pamigay," ani Luna, malamig ang tinig at ang bawat salita’y may bigat.Napatigil si Vergara sa pagtawa. Bahagyang nabigla, pero agad ding tumango-tango. "Oo, oo... gets ko na."Pagkasabi pa lang niya nito, bahagyang tumingala si Luna at lumingon sa paligid."Nandito ba si Zoe?"Bahagyang nangunot ang noo ni Veragara. "Nandito yata sa deck sa taas. Kasama raw ‘yung bagong manager niya."Tumigil si Luna saglit. Ang velvet off shoulder burgundy gown na suot niya ay bahagyang umalon sa ihip ng hangin habang pinakiramdaman niya ang paligid. Sa kanyang likod, si Kim ay nakabantay tahimik, pero alerto.Zoe
Pag-uwi ni Luna, humandusay agad siya sa sofa, mukhang pagod at matamlay.Lumapit ang matandang kasambahay at inalok siya ng baso ng tubig."Ano'ng nangyari sa’yo, iha? Ang sama ng itsura mo," tanong nito na may pag-aalala.Napailing si Luna at mahina lang na kumaway. "Wala ‘to okay lang ako.""Kanina pa akong umaga bumili ng paa ng baboy, pinakuluan ko na paborito mo 'yun! Gagawin ko ngayong hapunan.""Ughhhh" agad na namutla si Luna at napasubsob sa sofa, parang gusto na naman niyang isuka ang kaluluwa niya."Nakakadiri."Sa loob-loob ni Luna, hindi pa rin siya makapaniwala.P
“Lawyer Cortez?” tanong ni Ashley habang nakatingin kay Giovanni, puno ng pagtataka ang mga mata.Ngunit malamig ang tugon ni Giovanni. “May mga dapat akong asikasuhin. Wala akong oras para sa pag-ibig.”Swish—Bang!Hindi pa man natatapos ang kanyang linya, isang van ang biglang sumulpot mula sa kabilang kalsada at mabilis na bumangga papunta sa kanilang dalawa.Mabilis ang kilos ni Giovanni. Sa isang iglap, hinila niya si Luna palapit sa kanya, niyakap nang mahigpit upang iwasang tamaan ng sasakyan.Nabitawan ni Ashley ang hawak n