Sa loob ng emergency room,nakahiga na si Luna sa kama.Nakatutok si River sa kanyang mga paa,seryoso ang ekspresyon malayo sa dating lambing o kilig ng nakaraan.“Tiisin mo muna,” aniya,walang paliguy-ligoy.“Medyo malalim ang sugat mo.”Napalunok si Luna,pinipigil ang iritasyon sa kirot at marahil,ang inis sa dalawang lalaking parehong nagpapainit sa kanyang mundo.Pagdampi pa lang ng hydrogen peroxide sa mga sugat ni Luna, isang matinis na sigaw ang bumulusok sa loob ng silid tila bumasag sa katahimikan at tumagos sa kisame."Aray! Aray, masakit! Masakit!"Napakapit siya sa gilid ng kama, nanginginig ang balikat habang pilit kinakaya ang hapdi.Hindi siya umiyak—pero ang tinig niya, puno ng takot at inis, para bang bawat patak ng gamot ay nagpapabalik ng lahat ng sakit ng gabing iyon.Kalma lang si River, sanay na sa ganitong eksena, ngunit ramdam din ang awa."May piraso ng bakal na pumasok sa sugat mo," paliwanag niya, habang patuloy sa paglinis. "Kailangan nating linisin nang ma
Terakhir Diperbarui : 2025-06-07 Baca selengkapnya