Icarus"Hindi po kayo aalis?"Napatigil ako sa pagbabasa ng mga papeles matapos akong tanungin ni Ruby.Bumuntong-hininga ako. "Pang-ilang beses mo ng itinanong sa akin iyan, Ruby, at ilang beses na din kitang sinagot na hindi ako aalis. Ikaw nga ay umamin sa akin. May itinatago ka ba dito sa bahay o dito sa hacienda kaya ka parang atat na umalis ako?"Nanlaki ang mga mata ni Ruby. "Ako? May itinatago? Wala, ano! Baka kayo ho ang may tinataguan."I sighed. Sinasabi ko na nga ba. Alam ko ng dito rin mapupunta ang usapang ito. Bakit ko pa ba siya tinanong?Ibinalik ko ang aking paningin sa mga reports na kailangan kong basahin, intindihin, at i-check. Ayoko ng sagutin siya sapagka't alam ko na sa oras na sinagot ko siya ay hindi na niya titigilan. Gigisahin na niya ako ng gigisahin hanggang sa ma-corner niya ako, at wala na akong magagawa kung hindi ang umamin sa kanya.Pero dahil siya si Ruby, nabasa na niya kaagad kung ano ang taktikang ginawa ko."Wow. Sa tingin niyo ho ba talaga ay
Last Updated : 2026-02-28 Read more