Naguguluhan si Dylan paano ipaintindi sa bata ang lahat na siya lang ang kakausap dito. Baka kasi isipin ni Cianne na sinisiraan niya si Nyxia kung magsasalita si Dylan. Kaya ang gustong mangyari ni Dylan na kasama niya si Nyxia na ipaliwanag sa bata ang katotohanan para hindi sa kanya mapunta ang lahat ng sisi at galit.Humihikab si Cianne ng silipin ni Dylan ang silid ni Nyxia. Pasado alas-nuwebe na ng gabi at inaantok na si Cianne ngunit nilalaban niya ito para lang mabantayan ang nanay niya. Naawa si Dylan sa bata at gusto niyang pumasok para siya naman ang magbatay para makatulog si Cianne ngunit baka bulyawan lang siya. Nakatayo lang siya sa tapat ng pintuan at hinihintay na makatulog si Cianne saka siya papasok.Tinawagan niya via vedio call si Aliyah. Mga ganitong oras kasi nakahiga na silang tatlo at sabay na pinapatulog ang kanilang anak. "Kakatulog niya lang," sabi ni Aliyah sa mahinang boses tukoy sa kanilang anak. "Umiyak siya saglit hinahanap ka," natatawang dugtong niy
Last Updated : 2025-12-29 Read more