"Napapadalas ka na dito," saad ni Aliyah habang inaayos ang bulaklak na bigay ni Dylan sa vase. Nilingon niya ang lalaki na prenting naka upo sa silya. "Hindi porket nililigawan mo ako nasa akin na ang lahat ng atensyon mo. Na maging dahilan ang panliligaw mo sa akin para mawalan ka ng oras at atensyon sa anak mo. Hindi ako sang-ayon sa ganiyan, Dylan, para alam mo."Napatikhim si Dylan at umayos ng upo nito. "Hindi naman sa ganon, Aliyah. Syempre hindi nagbago ang pagiging ama ko kay Cianne. Kaya lang," nagpakawala siya ng isang mababang paghinga," nagtatampo yata sa akin. Ayaw niyang makipagkita sa akin, ayaw niya akong kausapin."Biglang bumigat ang dibdib ni Aliyah. Iniisip niya kaagad na siya ang dahilan bakit biglang nagkaganon ang bata sa tatay niya. "Kung gusto mo talaga na makasama at makausap ang anak mo maraming paraan, Dylan," aniya at nagtungo sa kusina," Ikaw ang kusang gumawa ng paraan. Huwag mong hintayin na ang bata mismo ang makiusap sayo na gusto ka niyang makita a
Last Updated : 2025-08-22 Read more