BAWAT araw naipakita ni Royce ang determinasyon hanggang sa nalaman kong totoo nga ang sinabi ni Susan na may isang branch sa Cebu City na ipinatayo si Royce at kasalukuyang tinatrabaho pa. "Naku, ang daming nag-apply kaagad ng trabaho," palatak ni Susan sa akin. "At alam mo ba kung saan umuwi ang asawa mo kapag wala siya rito?" Sa narinig ko kay Susan ay tila biglang naalarma ang aking puso kasabay ng matinding kaba. Huwag naman sanang malaman kong sa babae na naman ng asawa ko. Talagang hindi na makakatuntong dito si Royce sa bahay. "Saan?" maagap kong tanong. "Sus, ang bilis magtanong, a?" "Pwede bang huwag kang mambitin, hindi na ako natutuwa, Susan," banta ko sa kaibigan. "Sa Radisson Blu," nakangiting sagot ni Susan sa akin. Well, hindi na ako magtataka, ma-pera si Royce afford niya ang hotel na iyon. "May ipagtataka pa ba ako?" sabi ko. "Hindi naman nakapagtataka iyon, sa dami ba naman ng pera ng asawa mo. Pwede nga niyang bilhin ang hotel na iyon kung tutuusi
Read More