IYON pala ay dahil basa na ang kanyang diaper. "Kaya naman pala... akala ni mommy napaano na ang baby, e..."Pinahiga ko si Baby Rio saka binihisan. Tumigil na rin siya sa pag-iyak saka pangiti-ngiti na."Can I carry her?" Halos mapaigtad ako nang marinig ang baritonong boses ni Royce. "You scared me," reklamo ko."I'm sorry, hindi mo lang ako napansin dahil busy ka sa pagbibihis kay Rio.""Sige na, you can carry your daughter," ani ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang pag-rigodon ng aking puso. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya," sabi ko. Saka ako napasulyap sa yaya ng aking anak na ngayo'y nagmamasid sa aking mag-ama. "Take good care of Rio, may gagawin lang ako," utos ko."Yes, ma'am."Naglakad na ako patungo sa office/library kung saan mino-monitor ko ang kita ng resort.Binuksan ko ang pinto at napansin kong naroon pala si Mommy. "Mom, narito ka pala?""Yes, while busy ka with your family. Gusto ko ang nakikitang pagbabago ni Royce, hija.""Sana nga hindi pakitang-tao lang, mo
Read more