Chapter 363"Asan ang tunay na Manuel Ortega?" tanong ko, mahigpit ang tono."Matagal nang patay!" mabilis na sagot niya. "Pati ang kanyang pamilya, pinapatay ni Olivia para walang ebidensyang makukuha."Nanlaki ang mga mata ko."Putang—" hindi ko natapos ang mura. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko, parang may sumabog na galit at pagkasuklam sa loob ko.Si Dad, nanatiling nakatingin nang matalim. "Jacob, kontrolin mo ang sarili mo," malamig niyang sabi. "Kung totoo ang sinasabi niya, mas kailangan natin siyang buhay."Tumingin ako sa impostor. "Kung nagsasabi ka ng totoo, mas lalo kang delikado ngayon. Kapag nalaman ni Olivia na nahuli ka, ikaw ang susunod."Handa kong sabihin ang lahat kung sino si Olivia, basta bigyan n’yo ng proteksyon ang mga magulang ko at ang kaisa-isa kong anak na babae. Labing-walo pa lang siya. Ayaw kong maranasan niya ang karahasan," pakiusap ng impostor, nanginginig ang boses."Labing-walo? Kung gano’n, magka-idad lang sila ng triplets kong kapatid," sabi ko
Terakhir Diperbarui : 2025-07-28 Baca selengkapnya