Chapter 388 Maaliwalas ang panahon sa Boracay nang kami ay dumating. Habang pababa kami ng bangka ay hindi mapigilan ng triplets—sina Maricar, Mateo, at Matias—ang magkulitan at mag-ingay. "Ate Jas! Kuya Jacob! Bilisan n'yo! Ang ganda ng tubig dito!" sigaw ni Maricar, habang nakasuot ng stylish shades at may hawak na phone, agad nang nagsimula ng selfie session. “Perfect ‘to sa vlog natin, bro,” sabay sabi ni Mateo habang iniikot ang camera sa paligid. “Ang ganda ng lighting, ang linaw ng dagat.” “Wag niyong kalimutan may drone tayo. Gamitin natin mamaya para sa aerial shots,” dagdag ni Matias, habang buhat-buhat ang backpack nilang puno ng gadgets. “Uy, easy lang kayo,” tawag ni Mommy Kara, na ngayon ay naka-summer hat at hawak ang checklist ng itinerary. “Hindi pa tayo nakakapag-check-in. Puro gala agad sa utak n’yo.” “Mom, chill. 18 na kami, hindi na kami bata,” sabay-sabay pang sabi ng triplets na ikinatawa ng buong grupo. “Excuse me,” singit ni Ellie, sabay akbay kay
Terakhir Diperbarui : 2025-08-02 Baca selengkapnya