Chapter 373 Habang patuloy ang kwentuhan, tawa, at biruan, unti-unti na kaming nakarating sa masukal na bahagi ng daan. May mga bato, damo, at naririnig na rin ang malakas na agos ng tubig. "Uy, naririnig ko na! Malapit na ‘to!" sigaw ni Matias habang halos tumalon-talon sa tuwa. "Ingat, baka madulas ka!" sigaw ni Mateo mula sa likod, hawak pa rin ang maliit na speaker na ngayon ay nagtutugtog ng nature vibes—parang soundtrack ng isang adventure movie. "Wow…" halos sabay-sabay ang reaksyon namin nang masilayan ang waterfall—matayog, malinis ang agos, at sa paanan nito ay may natural na pool na kulay turquoise. Parang scene mula sa isang fantasy film. "Ang ganda dito," bulong ni Jas sa tabi ko, habang ang kanyang mga mata ay kumikislap sa tuwa. Napatingin ako sa kanya, at sa sandaling iyon, parang tumahimik ang paligid. "Mas maganda ka," usal ko sa isip ko, pero syempre hindi ko sinabi. Hindi pa ngayon. "Kuya Jacob, tara na! Talon na!" sigaw ni Ellie, habang isa-isa nang h
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya