HABANG marahan siyang hinahalikan ni Jai, napapikit si Aster. Ramdam niya ang init ng labi ng asawa, at bago pa siya makapag-isip kung tama ba ang ginagawa nila, naramdaman na lang niya ang kamay nito, dahan-dahang gumapang mula sa kanyang tuhod paakyat sa hita. Hindi pa siya nakakapagpalit ng suot. Nakadress pa rin siya mula kanina noong kasal nila, nakatulog siyang umiiyak, at hindi na nag-abalang magbihis. Ngayon, narito siya sa ilalim ng mga halik ni Jai. At kahit hindi siya marunong ay sinusundan niya ito. Tahimik lang siya, pero bukas sa bawat pagdampi ng labi at haplos ng asawa. Wala pang lalaki ang nakahawak o nakadama ng kanyang katawa. Sa edad niyang bente otso, NBSB pa rin siya. May mga nanligaw noon, pero hindi niya pinagtuunan ng pansin. Baka nga hindi lang talaga ni Aster naging prioridad ang pag-ibig noon. Napasinghap siya nang sapuhin ni Jai ang kanyang dibdib. Napansin na lang niyang wala na pala siyang bra. Hindi niya alam kung kailan ito natanggal ni Jai. May k
Last Updated : 2025-05-08 Read more