Share

187

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-05-10 00:03:57

BINUBUTONES ni Jai ang polo habang nakatayo sa harap ng vanity mirror. Mahimbing pa ring natutulog si Aster kaya hindi niya ito inistorbo. Nilingon niya Aster at dahan-dahang nilapitan. Saka, naupo sa gilid ng kama.

Dahan-dahan niyang niyugyog ang balikat ni Aster. “Hey, wake up, wife.”

Napakislot si Aster at nagmulat ng kanyang mga mata. Ngumiti kaagad siya kay Jai.

"Aalis ka na?"

"Uhuh..." sagot ni Jai, sabay tango ng ulo.

"Hindi ba kita hihintayin mamayang gabi?" Malamlam na tanong ni Aster. Bumangon siya at umupo sa kama na kipkip ang puting kumot na nakatakip sa kanyang hubad na katawan.

Inihilig ni Jai si Aster sa kanya. "Baka bukas na ako uuwi. Pero, I'll call you tonight."

Napaiwas ng tingin si Aster. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naiiyak. Uuwi lang ang ang asawa niya sa bahay ng Nanay niya at hindi sa ibang bahay ng babae. Pero, ganito na siya maka-react.

"Oh, bakit ka umiiyak?" takang tanong ni Jai. Hinawakan niya sa balikat si Aster at iniharap sa kanya. N
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Amhie Banares
wag mong Sabihin Yan Jai bka mgsisi k pgdating ng Araw n mawala pgmmahal ni aster sau bka kw nmn mghabol habol gaya ng bff mong c dewei ...
goodnovel comment avatar
rea oliver manzano
haist sama mo nmn jai kay aster sana mag sisi k s huli at taguan k ng anak ni aster
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   193

    "ASTER!" Nagulantang sina Aster at Sandro sa malakas na sigaw na narinig mula sa kanilang likuran. Parang yelo ang biglang dumaloy sa kanyang likod. Napakabilis ng tibok ng puso niya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagkabigla… at kaba nang mabosesan kung sino 'yon. "J-Jai..." Biglang napatayo siya nang makita ang asawa. Nanlilisik ang mga mata nito at matalim ang tingin sa kanila ni Sandro. Parang inaakusahan silang nagtataksil sa uri ng tingin ni Jai kahit na hindi nito sinasabi. Napatingin si Aster kay Sandro, na nanatiling nakaupo. Hindi nito kilala si Jai na asawa niya. "Who is he?" madiing tanong ni Jai, nagbabanta ang kanyang tingin sa asawa. Matigas ang kanyang panga, mahigpit ang kanyang pagkakakuyom sa mga palad, isang anyo ng galit na pinipigilan lang pumutok. Hindi makasagot si Aster. Parang nabulol ang isip niya. Gusto niyang sabihin ang totoo, na si Sandro ay walang ibang papel kundi maging tagapag-alaga ng kanyang ama. Pero bakit gano'n ang kaba sa dibdib n

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   192

    PUMASOK si Dewei sa loob ng opisina, pero hindi niya nakita ang asawa at anak niya. Maging si Aster ay wala roon. Nagtaka siya at napaisip kung saan nagpunta ang magkaibigan. Pinapunta niya ang asawa para may mapaghingahan ng sama ng loob si Aster. Alam niya na may pinagdaraanan si Aster sa pamilya at sa asawa nito na kaibigan niya. Nsgpalinga-linga pa si Dewei sa buong silid. Pero isang box ang naagaw ang kanyang pansin. Nilapitan niya iyon at binuksan. Nagulat si Dewei sa damit ng baby na andoon. "What's the meaning of this?" Takang tanong niya. Doon lumitaw sina Velora at Aster na karga si Devor. Naglakad palapit si Velora sa asawa. "Hi, Daddy.." sabi ni Velora. "Babe, magkausap lang tayo kanina. Di ba?" Naguguluhang tanong ni Dewei. Nangingiti naman si Aster na walang ideya si Dewei sa mga nangyayari. "Ako na nga ang magsasabi." Sabat ni Aster, sabay ngiti at tango sa kaibigan. "You’re going to be a dad for the second time!" Natulala si Dewei at hindi nakagalaw. "Is that t

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   191

    DUMAAN ang dalawang araw, na hindi umuwi si Jai sa condo. Ni hindi rin ito tumatawag kay Aster. 'Di rin niya tinawagan ang asawa dahil sa baka may sabihin na naman si Jai sa kanya na ikakasama ng loob niya. Pumapasok siya si Aster sa restaurant at hindi niya inuusisa ang asawa niya kay Dewei. Ayaw niyang magmukhang katawa-tawa na humahabol kay Jai. Tutal, contract wife lang naman ang turing nito sa kanya. E, di paninindigan niya. "Aster, kumain ka muna. Isinusubsob mo naman ang sarili mo sa trabaho," sabi ni Dewei. Dalawa lamang sila sa opisina at hindi pa rin pumapasok si Jai. Hindi malaman ni Dewei kung anong problema ng kaibigan niya. Ramdam niya kahit na hindi magtanong si Aster sa kanya, pansin niyang nababahala at nag-aalala ito para sa asawa. "Okay lang naman ako. Kumain ako sa bahay bago pumasok dito." Tanggi ni Aster na saglit napaangat ang tingin kay Dewei saka muling itinuon ang mata sa ginagawa. "If you need anything, just let me know, Aster. Lalabas lang ako sandali,

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   190

    "I’M Sandro Pascual po, ang caregiver na ipinadala ng agency para alagaan si Mr. Alfie," pakilala ng bagong dating na lalaking naka-asul na uniporme habang iniaabot ang isang folder na may mga papeles. "Hi, Sandro. I’m Aster, anak ako ni Alfie. And this is my mom, Wendy. Hindi sila mapaghiwalay ni Papa," pakilala ni Aster, sabay turo sa ina. Ngumiti si Wendy sa binata at bahagyang tumango. Si Alfie naman ay sumulyap at tahimik na tinanguan si Sandro. "Nice to meet you all, ma’am," nakangiting sabi ng bagong caregiver habang tinatanggap ang bahagyang malamig ngunit magalang na pagtanggap. "Kami rin. So, ngayon ka na mag-uumpisa?" tanong ni Aster habang tinitingnan ang relo niya. "Opo..." maikling sagot ni Sandro. Halata sa tono niya ang kaba pero may tiwala sa sarili. "Ikaw na ang bahala sa Papa ko, ha? May trabaho pa kasi ako. Bale, tatlo lang kayo dito habang wala ako. Puwede kang magluto ng sarili mong pagkain dito, o kung gusto mong makisalo sa food nila Mama, okay lang din.

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   189

    TULAK ni Aster ang wheel chair ng ama habang naglilibot sila sa mall. Pinipilit niyang iwinaksi sa isipan ang mga napag-usapan nila ni Jai kanina. "May gusto po kayong bilhin?" tanong niya. "Ma, baka gusto mo ng bagong blouse? Ibili rin po natin ng bagong jacket si Papa." Napatigil si Aster at tumingin sa ina. "Anak, gastos lang ang iniisip mo. Tandaan mo na marami tayong utang na loob sa asawa mo," tanggi ni Wendy sa gusto ng anak. "Ma, may trabaho naman po ako. Saka, hindi naman po kapag bumili tayo ng kailangan natin ay abusado na tayo kay Jai. Alam ko po na malaki utang na loob natin sa kanya dahil magkakasama tayo ngayon. Pero, gusto ko pong ibigay ang lahat ng makakapagpagaan ng loob n'yo at iyong matutuwa kayo ni Papa. Kahit na simpleng bagay lang..." katwiran ni Aster. Napatiim na tumango si Wendy at ngumiti siya ng bahagya sa nag-iisang anak. Bumalik ang sigla ni Aster nang makapamili ng mga bagong damit sa mga magulang. Unang beses njya itong ginawa sa kanila. No

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   188

    "PARE, hindi ako makakabalik d'yan sa restaurant. Bawi na lang ako sa'yo bukas," sabi ni Jai kay Dewei na kausap niya sa phone. "It's okay, Jai. Wala namang masyadong maraming gagawin. Spend time with your wife and her family. Alam kong kararating lang nila ng bansa." Ramdam niya ang malapad na ngiti ng kanyang kaibigan kahit hindi niya ito nakikita. Ang buong akala ni Dewei ay si Aster ang dahilan kung bakit hindi siya makakapasok sa restaurant. "Thanks, Dewei..." sabi niya at pinatay na ang tawag. Mahigpit ang hawak ni Jai sa manibela at matiim ang kanyang tingin sa kawalan. Binuhay niya ang makina at umalis na. Pagkapasok ni Jai sa loob ng bahay nila ay nadatnan niya ang Nanay niya na tahimik na nakaupo sa sopa. May kalumaan na talaga ang bahay nila at maraming sira, pero ayaw pa rin itong bitawan ng ina. "Andito na po ako, Nay..." anunsyo niya na nilapitan ang ina. Napaangat ang tingin nito sa kanya. Napakunot ang noo niya sa nakita sa ina. Biglang napaiwas ito ng ting

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   187

    BINUBUTONES ni Jai ang polo habang nakatayo sa harap ng vanity mirror. Mahimbing pa ring natutulog si Aster kaya hindi niya ito inistorbo. Nilingon niya Aster at dahan-dahang nilapitan. Saka, naupo sa gilid ng kama. Dahan-dahan niyang niyugyog ang balikat ni Aster. “Hey, wake up, wife.” Napakislot si Aster at nagmulat ng kanyang mga mata. Ngumiti kaagad siya kay Jai. "Aalis ka na?" "Uhuh..." sagot ni Jai, sabay tango ng ulo. "Hindi ba kita hihintayin mamayang gabi?" Malamlam na tanong ni Aster. Bumangon siya at umupo sa kama na kipkip ang puting kumot na nakatakip sa kanyang hubad na katawan. Inihilig ni Jai si Aster sa kanya. "Baka bukas na ako uuwi. Pero, I'll call you tonight." Napaiwas ng tingin si Aster. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naiiyak. Uuwi lang ang ang asawa niya sa bahay ng Nanay niya at hindi sa ibang bahay ng babae. Pero, ganito na siya maka-react. "Oh, bakit ka umiiyak?" takang tanong ni Jai. Hinawakan niya sa balikat si Aster at iniharap sa kanya. N

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   186

    HINILA ni Jai ang asawa niya papasok sa kuwarto nila nang makalabas sila sa silid ng mga magulang ni Aster. "Ano ka ba, Jai?" natatawang tanong ni Aster habang mahigpit na hawak ng asawa ang kamay niya. "I miss you, wife. Magaling na ba 'yan? Puwede na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Jai habang inila-lock ang pinto ng kuwarto nila. Puno ng pagnanasa ang makikita sa mga mata. "Hoy, ano ka ba? Nasa kabilang kuwarto lang sina Mama at Papa. Marinig ka nila..." "Hindi nila tayo maririnig. Sound proof lahat ang mga kuwarto dito sa loob ng unit ko," giit ni Jai. Natatawa naman si Aster sa ikinikilos ng asawa. Akala mo talaga ay hindi sila nagkikita para ma-mis siya ng sobra. "Masyado ka, Jai. Iyan ka-initan mo sa katawan ay itabi mo muna." "Wife, naman. Paisa lang. Bago ako umalis..." pakiusap ni Jai. Nagmamakaawa ang mga tingin niya kay Aster. "Bakit?" "Sasaglit lang ako sa restaurant, wife. Pagkatapos, uuwi lang ako sa bahay," sagot ni Jai sa kanyang asawa na parang nagpapaalam na r

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   185

    "MUKHA mabait ang napangasawa mo, anak..." mahinahong sabi ni Wendy, habang pinagmamasdan ang anak. "Pero bakit, Aster? Bakit hindi mo man lang kami sinabihan ng Papa mo na magpapakasal ka na?" May bahid ng lungkot sa boses niya na hindi nila man lang nalaman ang tungkol sa kasal ni Aster. Lahat ay sinasabi ng anak niya sa kanya. Pero ang pagpapakasal nito ay inilihim sa kanilang mag-asawa. "Mama..." Huminga nang malalim si Aster, pilit nilulunok ang bumabara sa lalamunan. "Mahirap pong ipaliwanag. Ang bilis po kasi ng lahat... parang hindi ko na rin alam kung paano ko kayo kakausapin noon." Natuon ang tingin ni Aster sa natutulog na ama. Saka, muling bumaling sa ina. "E, mahal mo ba siya?" tuloy-tuloy na tanong ni Wendy, bahagyang nanginginig ang tinig. "Ngayon lang kita nakita na may lalaki na mukhang naging interesado ka. At saka, guwapo si Jai... mukha rin siyang may kaya. Pero hindi 'yon ang mahalaga, anak. Ang tanong ko, mahal mo ba talaga siya?" Hindi agad sumagot si Aster

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status