"HOW long did you know your wife, Jai?" tanong ni Tony, habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi agad sumagot si Jai. Sandali siyang tumingin sa pinsan, saka bumalik ang tingin sa daan. “Why are you asking that now?” “Wala lang,” sagot ni Tony, kaswal ang tono. “Curious lang. Mukha kasi kayong matagal nang magkakilala.” Napabuntong-hininga si Jai. “I met her when I was working at Solara Essence. She was part of the team.” Tumango si Tony. “So office romance pala ‘to?” Bahagyang napakuyom si Jai sa manibela. “If that’s what you want to call it.” Tahimik. Maikli ang sagot niya, pero sapat para maramdaman ni Tony ang pag-iwas. “She's nice,” dagdag ni Tony pagkatapos ng ilang segundo, mahina lang, halos bulong. Hindi agad nagsalita si Jai. Tinutok lang ang tingin sa kalsada, tapos saka sumagot, maikli at diretso. “I know.” Sunod-sunod ang mga pulang ilaw sa dinaraanan nila, pero hindi niya ito minura gaya ng dati. Tahimik lang siya, pero sa loob-loob niya, may bum
Terakhir Diperbarui : 2025-06-02 Baca selengkapnya