GABING-GABI na ng umuwi sa mansyon si Jai. Nanlulumo siya sa nangyari sa Tatay niya. Ngayon pa lang sila unti-unting nagkakalapit, pero tila unti-unti naman umiiksi ang oras. Marami pa sana siyang gustong sabihin, marami pa siyang hindi naipaparamdam. Pagpasok niya sa silid nila, agad siyang sinalubong ni Aster. Hindi siya makangiti. Ni hindi man lang binati ang asawa. Panay ang buntong-hininga ni Jai at tila pinipigil ang pagsabog ng damdaming kinikimkim. Niyakap siya ng mahigpit ng asawa at ipinaramdam ang pagmamalasakit at pagdamay. “Si Tatay, Aster... Bakit ngayon pa? Kung kailan andito na si Nanay, si Tatay naman ang kailangang ilayo sa amin. Kailan ba kami mabubuo na isang pamilya?” Tahimik siyang inakay ni Aster paupo sa gilid ng kama. Hawak ang kanyang kamay, mahigpit, parang ayaw itong pakawalan. “Baka may dahilan ang lahat, Jai. Hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa si Tatay Reynaldo. Kumapit lang tayo, ha?” Inihilig ni Aster ang ulo sa dibdib ni Jai. Pilit niyang it
NANGINGINIG ang kamay ni Jai habang dahan-dahang ibinababa ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa. Napayuko siya, at agad namula ang kanyang mga mata. Napansin ni Dewei ang biglaang pagbabago sa awra ng kaibigan. "Jai, what happened? Is there something wrong?" tanong ni Dewei habang tumatayo at lumalapit. Dahan-dahang tumingala si Jai, bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala. May pailan-ilang luhang gumuguhit na sa kanyang pisngi. "I-Inatake raw sa puso si Tatay Rey... Nasa ospital siya at agaw-buhay..." Napasinghap si Dewei sa narinig. Hindi niya alam kung paano papagaanin ang biglaang dagok na natanggap ni Jai. "Halika na, sasamahan kita," mabilis na sabi ni Dewei. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at marahang hinila si Jai palabas ng opisina. Agad huminto ang kotse ni Dewei sa harap ng ospital. Hindi na hinintay ni Jai na huminto nang buo, bumaba siya agad at kumaripas ng takbo papasok. "Excuse me! Saan pong room dinala si Mr. Reynaldo Bautista?" hingal niyang tanong sa
"PASOK kayo, anak," sabi ni Jena na pilit pinapasigla ang boses. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok si Aster at Anya sa loob. Pagkapasok sa loob ng kuwarto ay inalok ni Jena ang mga ito na maupo muna. Inilapag naman ni Anya ang tray na dala sa maliit na table. "Kumusta na po ang pakiramdam n'yo, Nay Jena?" tanong ni Aster. "Ayos lang ako, anak. Magaling na ang sugat ko. Naigagalaw ko na nga ang balikat ko kahit may benda pa ako." Napangiti si Aster. "Maganda po 'yan, Nay. Magandang balita para kay Jai. Matutuwa po siya kapag nalamang niyang gumagaling na ang sugat n'yo. Alang-ala po siya noong malaman niya ang nangyari sa inyo." Marahang hinaplos ni Jena ang pisngi ni Aster. "Alam mo, maswerte ang anak ko. Kasi ikaw ang napili niyang mahalin. Napanatag ako na nasa tamang babae siya napunta. Malakas ang tiwala ko na hindi mo lolokohin si Jai. 'Di mo gagawin sa kanya ang ginawa ko sa Tatay niya." Hinawakan ni Aster ang kamay ni Nanay Jena na maiiyak na. Napabali
KUYOM ang mga palad ni Renan, pero pinipilit pa rin niyang pigilan ang kanyang galit. Lalo lang mawawala ang pag-asa niyang makuha ang parte niya sa kompanya kung magpapakita siya ng tapang sa harap ng kapatid. "Kuya, alam mong mataas ang respeto ko sa’yo. Hindi ko magagawa ang mga ibinibintang mo sa akin," sabi niya nang mahinahon, pilit na nagpapakumbaba. "Hindi mo ako maloloko. May ebidensiya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala noong una kong malaman ang ginawa mo. Renan, alam mong kapag nawala ang tiwala ko, mahirap na iyong ibalik. Kaya nga kahit paano, may natitira pa rin akong konsiderasyon, dahil kapatid kita. Kaya hanggang ngayon, nandito ka pa rin. Ayokong maging masama sa’yo. Bibigyan pa kita ng pagkakataon..." Napatingin si Renan sa sahig, tila hindi makatingin nang diretso sa kapatid. Nanginginig ang kanyang dibdib, hindi sa galit, kundi sa sakit ng mapagkamalan. Ilang segundo siyang tahimik bago muling nagsalita. "Anong klaseng ebidensiya, kuya?" mahinang tanong niya.
"PASENSIYA ka na. Ang gulo ng pamilya ko. Kaya hirap na hirap akong pumasok sa isang relasyon. Sariling pamilya ko ay hindi pa rin maayos," hingi ng paumanhin ni Jai kay Aster. Nakakalungkot ang maging insidente kanina nung dumating sa mansyon ang ina. "Wala kang dapat na ihingi ng dispensa sa akin. Naiintindihan ko. Wala namang perpektong pamilya, di ba? Kahit ang pamilya ko, mayroon ding naging problema ng kagaya ng sa inyo," sabi ni Aster. Nahihiya lang si Jai para kay Aster. Parang dinala pa niya sa isang mas kumplikadong buhay ang asawa sa magulong sitwasyon ng kanyang pamilya. "Madadagdagan na tayo, ang gusto ko sana ay tahimik na pamilya. Ayoko nang mabuhay sa gulo. Gusto ko namang maranasan na walang away. Pero, ang layo sa katotohanan ng mga pinapangarap ko para sa pamilya natin." Huminga nang malalim si Jai. Napayuko siya, pinipigilan ang pag-angat ng emosyon sa lalamunan niya. "Pero ayokong sumuko. Ayokong hayaan na lang na ganito palagi. Kung may pag-asa pang maitama,
BUMUTI na ang kalagayan ni Jena. Pinapagaling na lamang ang kanyang sugat sa balikat. Pinayagan na rin siya ng doktor na makauwi, at ngayon ay nagpapagaling na siya sa mansyon. Hindi na pumayag si Jai na bumalik pa ang ina sa dati nilang bahay. Wala na rin namang babalikan doon ang kanyang ina, nag-iisa na lang siya roon at nakakulong na si Marlon. Hindi na ito makakalabas pa. "Nay, si Mama Wendy po, ang mama ni Aster," pakilala ni Jai sa ina, habang hawak ang kamay nito. Lumapit siya sa dalawang babae upang ipakilala ang biyenan sa ina. "Maigi naman at nagkakilala na tayo, balae," nakangiting sabi ni Wendy, sabay abot ng kamay kay Jena. "Masaya akong makilala ka, Wendy," magalang na sagot ni Jena. Inabot din niya ang kamay ng babae. May pag-aalangan sa kilos niya pero pilit niya itong tinatago. Napabaling ang tingin niya kay Carlita na noon ay nakaupo sa gilid, katabi ang asawang si Renan. Agad niyang iniwas ang tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata. Tahimik si Carlita sa um