KINABUKASAN, abalang naghahanda ng almusal si Len sa kusina. Maaga siyang nagising, hindi lang dahil sa nakasanayan, kundi dahil may gumugulo sa isip niya. Hindi mawaglit sa isipan niya ang naging pakiusap ni Vanna kagabi. Parang may laman at may itinatago sa kanya ang dalaga. At ngayong umaga, ito na ang pagkakataon niyang tanungin ang anak. Baka may alam si Zander. Narinig niyang bumaba ng hagdan si Zander. Nakaayos na ito, mukhang papasok sa trabaho. "Anak, halika, kumain ka muna bago umalis," tawag ni Len habang inilalapag ang sinangag at pritong itlog sa mesa. "Thanks, Ma. Sakto, gutom na 'ko," sagot ni Zander sabay halik sa pisngi ng ina. Tahimik silang kumain na mag-ina. "Zander, alam mo ba na dito na titira si Vanna?" panimulang tanong ni Len sa mahinahon na boses. Napatigil sa pagsubo si Zander. "Ah… sinabi ba niya?" Tumango si Len habang pinagmamasdan ang reaksiyon ng anak. "Sinabi niya. Pero parang may ibang dahilan, anak. Parang… hindi lang basta gusto niya ng matut
Terakhir Diperbarui : 2025-07-11 Baca selengkapnya