"ALAM mo ba ang kalokohan na pinapasok mo? Nag-asawa ka na. Tapos, ano? Mabubuntis ka? Binalewala mo lang lahat ng ginawa ko sa'yo," hinanakit ni Velora sa kapatid. Nanatiling nakayuko si Vanna. Hindi na masalubong ang galit ng nakakatandang kapatid kaya hnayaan na lamang niya itong magsalita. "Sana nagsabi ka sa akin. Hindi iyong ganito na ginulat mo ako, Vanna. Paano kapag nalaman ni Papa 'to? Binalewala mo na kami, kami na pamilya mo," dugtong pa ni Velora. Nilapitan ni Zander ang asawa niya. 'Di niya matagalan na makita itong lumuluha ng ganoon. Niyakap na niya ito at nanatili sa tabi ni Vanna. "Velora, please... nakikiusap ako sa'yo. Pag-usapan natin ito ng maayos. Puwede bang maupo ka muna. Desisyon naming dalawa ni Vanna ito. Nagmamahalan kaming dalawa at 'wag kang mag-alala sa kanya dahil magtatapos siya ng pag-aaral, gaya ng pangako niya sa'yo," pagtatanggol niya kay Vanna. Marahas na napabuntong-hininga si Velora. Nanginginig ang balikat niya habang pinipigilan ang emos
Last Updated : 2025-07-18 Read more