IMBIS NA sumagot ay bahagya lang yumuko si Jack sa naging tanong niya. May alam ba ito sa pagkatao ng kaniyang ama?"P-please, answer me dahil matagal ko ng gustong malaman kung sino ang totoo kong ama na kahit apelyido niya ay hindi ko dala. I-I've always wanted to know him dahil alam kong sa sarili ko na mas magiging buo ako kapag nakilala ko siya. I'm not asking for more, gusto ko lang po talaga makilala ang aking ama," pagmamakaawa niya dahil baka iyon na ang pagkakataon niya para makilala ito o kahit malaman man lang ang pangalan nito."I-I'm sorry...h-hindi ko kilala ang iyong ama," sabi nito na hindi makatingin sa kaniya."H-hindi po ba't kilala ninyo ang aking ina? Kung hindi man kayo nagkatuluyang dalawa, baka po may alam kayo sa nangyari sa kaniya pagkatapos ninyong maghiwalay. Sinabi niyo po na pinahanap ninyo siya, 'di ba? B-baka may nalaman kayo tungkol sa asawa niya noon, sa lalaking nakasama niya, sa naging buhay niya," giit niya.Bumuntong-hininga si Jack at malungkot
Last Updated : 2025-06-04 Read more