"S-SALAMAT, Martin," nahihiyang sabi ni Naomi habang nakatayo ito sa harap niya, nakapamaywang at kita niya ang galit sa mga mata nito. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata. "A-ate inaway po ba kayo ni t-tita Levie?" tanong ni Nonoy na nag-aalala para sa kaniya. Nakaupo ito sa tabi niya at nakatingin lang sa kaniya. "I-isumbong po natin siya kay k-kuya Grayson," sabi pa nito na kung alam lang nito ang totoo, hindi na nito masasabi pa ang bagay na iyon. Binalingan niya si Nonoy at ngumiti kahit mahirap para sa kaniyang gawin iyon. Ayaw niyang mag-alala pa sa kaniya si Nonoy. "O-ok na ang ate, Nonoy huwag ka ng mag-alala," aniya at marahang hinimas ang ulo nito. Bumuntong-hininga si Martin. "Hindi na tama ang ginagawa nila sa iyo, Naomi at hindi mo pwedeng hayaang gawin nila iyon sa iyo," inis na sabi nito. Seryoso niyang tiningnan si Martin at binalingan si Moning. "Moning, dalhin mo muna sa labas si Nonoy," utos niya dahil ayaw niyang marinig nito ang pag-uusapan nila ni Ma
Terakhir Diperbarui : 2025-06-10 Baca selengkapnya