Share

131

Author: Totoy
last update Last Updated: 2025-06-02 14:04:35

HANGGANG NGAYON hindi pa rin pinapansin ni Naomi si Grayson dahil nagagalit pa rin siya sa mga sinabi nito. Sa lahat nga tao, ito ang inaakala niyang mas makakaunawa sa kaniyang kapatid dahil napalapit na ito kay Nonoy pero mali pala siya.

Nakatagilid siya at nakatalikod kay Grayson na kahihiga lang sa kama dahil masyado itong abala sa trabaho na hanggang pag-uwi nito ay nakaharap pa rin ito sa computer nito. Pinakikiramdaman niya lang ito.

"I know you're still awake," narinig niyang sabi nito at alam niyang nakatingin ito sa kaniya. Hindi siya umimik. Inirapan niya ito. "Galit ka pa rin ba hanggang ngayon?" kapagkuwa'y malumanay nitong tanong.

Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin niya ito pinapansin. Nami-miss niya ang bawat yakap at halik nito pero mas nangingibabaw ang inis at galit niya dahil pakiramdam niya'y tumalikod ito sa kanilang dalawa ni Nonoy habang akala niya'y ito ang kakampi nila.

Narinig niyang bumuntong-hininga ito at gumalaw. Mayamaya'y naramdaman niyang yuma
Totoy

happy a good day everyone! salamat po sa suporta ninyo. ingat po kayo palagi. stay safe and healthy. God bless!

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ano kayang kailangan ng father ni Martin kay Naomi, wag ka rin makampante kay Ashley baka nga nagbait baitan lng yan para makuha ulit c Grayson kaya ingat ka Naomi
goodnovel comment avatar
Gracie Reymundo
update nmn po yong mhaba. kkatamad n mg Basa ehh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorce: I Married A Stranger    133

    IMBIS NA sumagot ay bahagya lang yumuko si Jack sa naging tanong niya. May alam ba ito sa pagkatao ng kaniyang ama?"P-please, answer me dahil matagal ko ng gustong malaman kung sino ang totoo kong ama na kahit apelyido niya ay hindi ko dala. I-I've always wanted to know him dahil alam kong sa sarili ko na mas magiging buo ako kapag nakilala ko siya. I'm not asking for more, gusto ko lang po talaga makilala ang aking ama," pagmamakaawa niya dahil baka iyon na ang pagkakataon niya para makilala ito o kahit malaman man lang ang pangalan nito."I-I'm sorry...h-hindi ko kilala ang iyong ama," sabi nito na hindi makatingin sa kaniya."H-hindi po ba't kilala ninyo ang aking ina? Kung hindi man kayo nagkatuluyang dalawa, baka po may alam kayo sa nangyari sa kaniya pagkatapos ninyong maghiwalay. Sinabi niyo po na pinahanap ninyo siya, 'di ba? B-baka may nalaman kayo tungkol sa asawa niya noon, sa lalaking nakasama niya, sa naging buhay niya," giit niya.Bumuntong-hininga si Jack at malungkot

  • After Divorce: I Married A Stranger    132

    PAGKATAPOS MAGBIHIS ni Naomi hindi na niya ginising si Grayson at nag-iwan na lang ng notes sa table kasama ng breakfast nito. Sa hindi niya alam na dahilan kinakabahan siya sa kung anong sasabihin ni Jack sa kaniya kahit wala naman siyang ideya kung tungkol saan ba iyon. Tungkol ba kay Martin?Pababa na sana siya nang hagdan ng makita niya si Levie na palabas ng main door ng gate. Napakunot ang noo niya dahil masyado pang maaga para umalis ito. Mabilis siyang kumilos pababa at nakita niyang dumeretso ito sa garage ng mansyon at hindi niya alam kung bakit sinundan niya ito.Agad siyang tumago sa gilid ng wall nang huminto ito at kinuha ang cellphone sa dala nitong sling bag at sinagot ang tumawag dito."I'm coming, medyo nahirapan lang akong makaalis dahil nandito pa sa bahay si Christopher," mahinang sabi nito at luminga sa paligid habang may hinahanap sa bag nito. Agad siyang nagtago at napalunok. Sinong kausap nito?Sinilip muli niya ito at nakita niya ang masayang ngiti sa mga lab

  • After Divorce: I Married A Stranger    131

    HANGGANG NGAYON hindi pa rin pinapansin ni Naomi si Grayson dahil nagagalit pa rin siya sa mga sinabi nito. Sa lahat nga tao, ito ang inaakala niyang mas makakaunawa sa kaniyang kapatid dahil napalapit na ito kay Nonoy pero mali pala siya.Nakatagilid siya at nakatalikod kay Grayson na kahihiga lang sa kama dahil masyado itong abala sa trabaho na hanggang pag-uwi nito ay nakaharap pa rin ito sa computer nito. Pinakikiramdaman niya lang ito."I know you're still awake," narinig niyang sabi nito at alam niyang nakatingin ito sa kaniya. Hindi siya umimik. Inirapan niya ito. "Galit ka pa rin ba hanggang ngayon?" kapagkuwa'y malumanay nitong tanong.Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin niya ito pinapansin. Nami-miss niya ang bawat yakap at halik nito pero mas nangingibabaw ang inis at galit niya dahil pakiramdam niya'y tumalikod ito sa kanilang dalawa ni Nonoy habang akala niya'y ito ang kakampi nila.Narinig niyang bumuntong-hininga ito at gumalaw. Mayamaya'y naramdaman niyang yuma

  • After Divorce: I Married A Stranger    130

    "ARE YOU MAD?" Hindi nilingon ni Naomi si Grayson dahil ang totoo, galit siya sa binata. Akala niya'y kakampi nila ito pero mukhang hindi pala nito naiintindihan ang pagkakaiba ng sitwasyon ni Nonoy at Kalus. Dahil ba anak nito ang huli?"Kanina mo pa akong hindi pinapansin, dahil ba sa nangyari?" Naramdaman niyang nasa likod na niya ito pero hindi pa rin siya lumingon. Naiinis siya at nagagalit kay Grayson dahil sa mata nito, siya ang may pagkukulang."Hindi mo ba talaga ako haharapin, Naomi?" Bumuntong-hininga ito at ng hindi makatiis, hinarap siya nito. Yumuko siya para hindi ito makita. "Naomi, tell me galit ka ba dahil pinagsabihan kita sa nangyari kay Nonoy at Kalus? Dahil ba doon kaya ganiyan ka ngayon sa akin? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo."Walang emosyong nag-angat siya ng tingin kay Grayson. "Iyon nga, eh! Akala ko nagkaintindihan na tayo, akala ko naiintindihan mo ako, kami ni Nonoy pero hindi pala. Kung sabagay, naiintindihan ko dahil sino nga bang kakampihan mo,

  • After Divorce: I Married A Stranger    129

    "NONOY, tell me ginawa mo ba iyon kay Kalus?" tanong ni Naomi nang makabalik sila sa silid nito habang hawak niya ito sa balikat.Napapikit siya at nasapo ang noo nang tumango si Nonoy. Napabuntong-hininga siya. Nasaan pa kasi si Moning? Bakit hindi nito nabantayan ang kapatid niya?"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya dahil naniniwala siyang hindi iyon gagawin ng kapatid niya ng walang dahilan. Kilala niya si Nonoy at hindi ito bayolenteng bata katulad ng sinasabi ni Levie.Kinuha nito ang paborito nitong laruan at pinakita sa kaniya. "H-hindi siya mabait kay Nonoy, eh. S-sinira niya ang paborito kong laruan," sumbong nito.Natigilan siya at kinuha ang sirang laruan. Putol na ang braso at binti ng robot na paborito nitong laruan na binili pa ni Grayson para sa kapatid niya."S-sinira ni Kalus ang laruan mo?" hindi makapaniwalang tanong niya dahil base sa hitsura ni Kalus, hindi nito gagawin ang bagay na iyon.Tumango ito. "T-tinapakan niya ang laruan ni Nonoy at hinampas niya sa lupa.

  • After Divorce: I Married A Stranger    128

    TAHIMIK LANG si Naomi habang masayang nag-uusap ang lahat tungkol sa mga kwento ni Ashley tungkol kay Kalus. Masaya ang lahat, tumatawa, at ramdam ang mainit na pagtanggap ng pamilya sa kanilang dalawa. Iba sa nararamdaman niya, pakiramdam niya'y outcast siya, nawala bigla sa picture at hindi napapansin. Ok lang naman sa kaniya kaya lang, hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng lungkot dahil biglang nagbago ang lahat sa kaniya sa pagdating ni Ashley at Kalus."Napakulit mo rin palang bata," masayang sabi ni Christopher na katabi ni Levie. Katabi naman niya si Grayson at si Nonoy. Katabi ni Grayson si Kalus at Ashley. Sa harap naman nila, sila Owen at Ivy ang naroon. "Hindi ko akalaing sa murang edad mo na iyan matatakot silang lahat sa iyo.""I've taught him to be brave enough to protect himself dahil wala maman kaming ibang aasahan," nakangiti pero may lungkot na sabi ni Ashley."Well, kita namin kung paano mo napalaki ng maayos at mabuting bata si Kalus and I'm so happy and proud d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status