Share

145

Author: Totoy
last update Last Updated: 2025-06-12 08:35:49
DAHAN-DAHAN bumaba ng Taxi si Naomi nang huminto iyon sa harap ng mansyon. Kasama niya si Luna.

"Sigurado ka talaga na babalik ka pa sa bahay na ito? Kailangan mong alagaan at ingatan ang sarili mo at hindi mo iyon magagawa kung mananatili ka rito."

Hinarap niya si Luna at pilit siyang ngumiti. "Hindi ko pwedeng iwan si Grayson, Luna dahil nag-aalala ako para sa kaniya. Napapalibutan siya ng taong may masamang intensyon at ambisyon at habang nandito ako, kahit pa paano mapuprotektahan ko siya."

Bumuntong-hininga si Luna at napakamot sa noo. Alam nitong wala na itong magagawa para baguhin ang isip niya.

"Sarili mo ang dapat mong isipin, hindi si Grayson na tinalikuran ka na. He abandoned you and yet you still care for him? Grabi ka, Naomi! Ikaw na ang may hawak ng award para sa pinaka-martyr na asawa sa earth," anito na halata ang pagkadismaya.

"Kaya ko, Luna. Huwag kang mag-alala sa akin dahil kaya ko. Alam ko ang ginagawa ko at hindi ko ipapahamak ang sarili ko at ang anak namin
Totoy

kumusta kayong lahat? nag-e-enjoy ba kayo? Sana kahit pa paano na-e-entertain kayo ng kwentong ito. enjoy po. keep safe everyone.

| 17
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (14)
goodnovel comment avatar
Arce Arlene
pumapangit na Yung story
goodnovel comment avatar
Arce Arlene
Hindi nko masaya sa kwento sumobra Yung pagka martyr ni naomi
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku hindi kami nag-enjoy naiinis kami author kakagigil na c Ivy pati c Grayson bakit kc ayaw pang umalis ni Naomi
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorce: I Married A Stranger    223

    "HINDI na ako makapaghintay na makita at makausap si lola Marina, Martin," masayang sabi ni Naomi habang lulan siya ng sasakyan nito. Nang malaman nila mula kay Vincent na gising na raw si Lola Marina, agad silang bumyahe papunta sa hospital. Masaya siya at natutuwa sa nalaman. Mas binilisan pa ni Martin ang pagmamaneho sa sasakyan nito. "Ngayong gising na si lola Marina, mapapatunayan na natin ang lahat ng ginawa ni Levie at Ivy sa kaniya at mas madali natin silang masisingil sa lahat ng kasalanan nila," ani Martin. Ngumiti siya. Hindi na siya makapaghintay na makitang nasa kulungan ang mga taong gumawa ng masama laban sa kaniya at kay lola Marina. Ilang sandali pa at nakarating na sila sa hospital. Agad silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa gusali. Nasapo niya ang umbok na niyang tiyan dahil pakiramdam niya'y bumibigat na iyon. Nakakaramdam din siya ng sakit ng balakang at pagkapagod dahil sa paglalakad. Kapagkuwa'y naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang braso niya para

  • After Divorce: I Married A Stranger    222

    "ANONG balak mong gawin kay, Kalus?" tanong ni Martin kay Naomi habang sakay sila ng sasakyan nito patungo kay Kalus. Habang nasa backseat si Yuan, abala sa paglalaro sa cellphone nito. "Sa tingin ko hindi na natin magagamit si Kalus laban sa kanila lalo't wala na sa panig nila si Grayson at tito Christopher." "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito. "Sa tingin mo ba may pakinabang pa sa kanila si Kalus at Ashley gayong hindi na nila kailangang magpanggap sa harap ng mga Alcantara? Sigurado ako ngayong nakuha na nila Ivy ang posisyon ni Grayson, hindi na rin nila kailangan si Kalus at Ashley. Katulad ni Gino, itatapon na lang din nila ang mag-ina na parang basura pagkatapos nilang gamitin." Napaisip si Martin at kapagkuwa'y tumingin sa kaniya. "Kung ganoon ibabalik na natin kila Grayson ang bata?" Umiling siya. "Kapag lumabas na ang DNA results ni Kalus at napatunayan kong anak siya ni Grayson, ibabalik ko siya sa kaniya pero kapag hindi siya anak ni Grayson, hahayaan k

  • After Divorce: I Married A Stranger    221

    "BABALIKAN natin ang anak mo, Naomi," ani Martin habang lulan sila ng sasakyan pauwi. Kanina pa siya walang kibong dahil gustong-gusto na niyang makita ang anak na nawalay sa kaniya. Hindi na siya makapaghintay na mayakap at makasama ito.Gusto sana niyang makita ang umiiyak na bata sa bahay ng mga umampon dito pero pinigilan siya ni Martin dahil baka raw malaman ng mga katulong kung anong totoong pakay nila roon at kapag nangyari iyon, baka ilayo ng mag-asawa ang kaniyang anak."Hindi nila pwedeng malaman na alam na natin ang tungkol sa batang inampon nila dahil sigurado akong hindi nila basta ibibigay sa atin ang bata lalo't mahigit isang taon na rin nilang inalagaan ang anak mo." Saglit siya nitong tiningnan at hinawakan ang kaniyang kamay at marahan iyong pinisil. "Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado akong wala silang matibay na panghahawakan para angkinin ang bata. Kapag napatunayan nating siya ang anak mo at hindi nila ibinigay sa atin, dadaanin natin sa legal na proseso."

  • After Divorce: I Married A Stranger    220

    "NGAYON na nakuha na ni Owen at Levie ang posisyon ni Grayson sa kompanya, sa tingin mo ba may panahon pa si Ivy para balikan ka rito at tuparin ang pangako niya sa iyo? Kung wala kang pera at kapangyirihan kagaya ni Owen, hindi ka niya mamahalin. You're useless to her! Isa ka lang niyang kasangkapan, gagamitin sa sarili niyang benepisyo. Ilang beses ka ba niyang dinadalaw dito? Did she tell you that she loves you? Anong pinanghahawakan mo para sabihin mong ikaw ang pipiliin niya?" Ngumisi pa si Naomi dahil alam niyang alam ni Gino na totoo ang lahat ng sinabi niya.Hindi ito nakaimik at bahagyang yumuko, kita ang sakit at pait ng katotohanan."Papayag ka bang ikaw ang nakakulong habang malayang nagmamahalan si Owen at Ivy?" segunda naman ni Martin. Kapwa batid nila na ginagamit lang ni Ivy si Gino para sa sarili nitong kapakanan at paraan nilang saktan ito at ipamukha ang masakit na katotohanan para malaman nito ang totoong intensyon ni Ivy sa rito."Kaya kung ako sa iyo, hindi ako p

  • After Divorce: I Married A Stranger    219

    "WHAT ARE you doing here?" gulat na tanong ni Grayson nang pumasok si Rovert sa opisina niya, kasama si Owen, Ivy at Levie na nakahawak pa sa braso nito. Nakaguhit ang masasayang ngiti sa kanilang mga labi dahil tuluyan nilang nakuha ang posisyon niya. Naikuyom niya ang kaniyang kamao.Kapag nakikita niya ang mga ito, gusto na niyang gumanti para sa lahat ng ginawa nito kay Naomi at lola Marina. Galit na galit siya kapag naiisip niya ang lahat ng kasamaan ng mga ito."Masyado ba kitang nagulat, Grayson? Hindi mo ba inaasahan na makikita mo ako sa dating teritoryo mo?" Ngumisi ito. "Now, that you're no longer a CEO of this company, malaya na akong makakapasok dito because maybe soon magiging miyembro na ako ng board hanggang tuluyan kong makuha ang kompanyang pinaghirapan ninyo ni Christopher." Tiningnan nito ang ama niya na nasa tabi niya.Masama ang naging tingin ni Christopher dito. "No! Hindi ako papayag na maging parte ka ng board! Hindi mo makukuha ang kompanya na pinaghirapan ko

  • After Divorce: I Married A Stranger    218

    HINDI MAPAKALI si Naomi habang naghihintay siya at si Martin sa visiting area ng city jail kung saan nakakulong si Gino. Alam niyang may nalalaman ito sa kung saan pinaampon ni Ivy ang anak niya."Sa tingin mo ba magsasalita si Gino kung may nalalaman man siya?" ani Martin.Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko alam, Martin pero sigurado akong may alam siya at pipilitin kong magsabi siya ng totoo," sabi niya.Mayamaya'y napalingon sila nang pumasok ang pulis at si Gino sa visiting area. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kanila.Ngumisi si Gino. "Kung nandito kayo para pilitin akong magsalita, nagsasayang lang kayo ng oras dahil wala kayong mapapala sa akin," bungad nito bago umupo sa tapat nila.Pinakatitigan niya ito. "Matitiis mo bang makulong ng mahabang panahon dahil sa kasalanang hindi mo ginawa?" direktang tanong niya. "Sino ka ba at anong koneksyon mo kay Ivy? Bakit ginagawa mo ito? Hinahayaan mong ikaw ang magbayad sa kasalanang alam mong si Ivy ang gumawa."Seryoso siyang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status