Umaga pa lang ay mabigat na ang hangin.Tahimik sa loob ng sasakyan habang binabaybay nina Fortuna, Jinky, at Jack ang daan patungong airport. Sa labas ng bintana, dumaraan ang mga pamilyar na gusali—ang ilang alaala ng kabataan ni Fortuna, ang mga daanang ilang ulit niyang tinakbuhan habang umiiyak, at ang mga kantong minsang saksi sa mga gabing hindi niya alam kung paano pa babangon.“Anak, gusto mo bang huminto muna tayo? May isang oras pa naman bago ang check-in,” tanong ni Jack, nakatingin sa rearview mirror.“Hindi na po, Pa. Diretso na lang tayo,” mahinang sagot ni Fortuna habang yakap ang kanyang sling bag, sinisiksik sa dibdib ang kaba.Tahimik na tumango si Jack. Sa tabi niya, tahimik lang si Jinky, pero panaka-naka’y sinusulyapan si Fortuna. Ang mga mata ng ina—tila gustong magsalita, pero nagpipigil.“Ma,” simula ni Fortuna, “’wag n’yo na pong ipag-alala ‘ko. Alam ko pong mahirap ‘tong desisyon. Pero ito lang po ang paraan para makaalis ako sa lahat ng sakit dito.”“Hindi
Last Updated : 2025-05-09 Read more