Pagpasok nila sa loob ng bahay, ramdam agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang sala, tanging tik-tak ng orasan ang naririnig. Umupo si Madam Irene sa malaking upuang kahoy, habang si Luigi ay nanatiling nakatayo sa gilid, nakahalukipkip at seryosong nakatingin kay John. Si Leona nama’y nasa tabi ng anak, marahang hinahaplos ang braso nito, parang pinapalakas ang loob.“Umupo ka rito, John,” utos ni Irene, sabay turo sa upuan sa tapat niya.Tahimik na sumunod si John, mabigat ang bawat hakbang. Umupo siya, nakatungo, halos hindi makatingin sa lola.“Alam kong nasasaktan ka ngayon,” panimula ni Irene, malumanay ngunit mariin ang tono. “Pero hindi sapat ang umiyak at umasa. Ang isang tunay na lalaki, kapag nagkamali, hindi lang basta humihingi ng tawad. Pinapakita niya na kaya niyang bumangon. Kaya niyang ipaglaban ang mahal niya.”Napakagat ng labi si John, ramdam ang kirot ng mga salita. “La… gusto ko siyang suyuin. Gusto kong bumawi. Pero paano kung tuluyan na akong tinanggihan ni Fortu
Last Updated : 2025-09-10 Read more