"NASA ospital po ulit ang asawa niyo, sir.." sabi sa kanya ni Ricardo."Okay.. sabihin mo sa akin kung may kakaibang ginagawa.." sabi niya dito."Okay po sir.."Ibinaba ni Josh ang tawag, saka bumaba ng sasakyan.Naglakad siya papasok sa ospital kung saan, naroon ang kanyang ina.Subalit nanlaki ang kanyang mga mata, ng makita kung sino ang kasama nito.Naglakad siya papalapit sa mga ito.Masayang nag uusap ang kanyang ina at si Ellaine, saka ang kanyang daddy."Oh, anak, nandito ka na pala.. hindi mo naman sinabi sa amin na nagkaayos na pala kayo ni Ellaine.." maliwanag ang ngiti sa mga mata ng mommy niya.Kahit si Ellaine ay kita niyang nakangiti ng maganda sa kanya, na parag sinasabing makisama siya."Anak, si Ellaine pala ang donor ng dugo ng mommy mo.. naku, ang batang ito talaga, napakamaalalahanin.." nakangiting sabi pa ng kanyang ama.Ngumiti lang siya, saka nagsalita, "mom, dad, kakausapin ko lang si Ellaine sandali.." saka niya hinawakan ang braso ng babae at hinila palabas
Terakhir Diperbarui : 2025-07-07 Baca selengkapnya