Pagdating ni Josh sa ospital, tuliro siya, halos hindi niya maalala kung saan dadaan. Nagmamaneho siya kanina na parang may humahabol—pero ang totoo, sarili niya ang kalaban. Mga maling desisyon. Mga salitang hindi na mababawi. At ngayon, ang isa sa iilang taong totoong nagmahal sa kanya, ay nasa panganib.Pagkababa ng elevator, agad siyang sinalubong ng ama. Namumutla, namumugto ang mata, at bakas ang takot sa mukha nito.“Nasaan si Mommy?” tanong agad ni Josh.“ICU. Stable na raw, pero kritikal pa rin ang lagay. Na-stress. Mataas ang BP. Baka na-trigger ng emosyon o pagod.”Napakuyom si Josh ng kamao. “Kasalanan ko…”“Hindi na importante kung sino ang may kasalanan. Ang mahalaga ngayon, narito ka. Bumawi ka habang may oras pa.”Agad siyang pumasok sa ICU, at doon, nakita niya ang ina—nakahiga, mahina, pero gising. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, isang luha ang pumatak mula sa pisngi ng ina.“Josh… anak…” mahinang tinig.Lumapit siya, hawak ang kamay nito. “Sorry, Mommy… sorry k
Last Updated : 2025-07-12 Read more