Tahimik na tumango si Hannah, pero bago pumikit ay humawak muna siya sa kamay ni Renzelle. “Salamat talaga. Sa lahat. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi mo ako sinabayan ngayong mga panahong ‘to.”Ngumiti si Renzelle at dahan-dahang pinisil ang kamay ni Hannah. “Gano’n talaga ang magkaibigan. Walang iwanan. At kahit anong mangyari, hindi kita pababayaan.”Iniwan niya sa pagkakahiga si Hannah at marahang lumabas ng silid. Habang tinatahak ang maikling pasilyo patungo sa nursery room, dama niya ang kakaibang katahimikan—hindi malungkot, kundi mapayapa. Sa wakas, parang unti-unti na siyang nakakahinga. Unti-unti na ring gumagaan ang bigat sa dibdib na matagal na niyang kinikimkim.Pagdating niya sa silid, natanaw niya agad si Hope sa loob ng incubator—maliit, mahina pa ang katawan, pero may tibok na matatag, at may hiningang nagpapatuloy sa laban. Napangiti siya, sabay idikit ang palad sa salamin.“Hello, baby,” mahina niyang bulong. “Alam mo ba, ako ang ninang Renzelle mo.
Last Updated : 2025-07-15 Read more