CHAPTER 15“ Ma’am Sasha, hindi ko po matatanggap ang iyong alok niyo, “ sagot ni Anna sa gitna ng ilang segundong katahimikang namagitan sa kanila matapos ilapag ni Sasha ang plano niya. “ Salamat po sa alok niyong scholarship para sa mga kapatid ko at sa balak na pagpapagamot sa magulang ko, pero sa tingin ko po hindi ako ang dapat kausapin niyo tugkol dito kung gusto niyo pong bumalik ang anak niyo sainyo, Ma’am. “ “ No, I think hindi mo naiintindihan ang gusto kong mangyari, Miss Alejandra, “ wika ni Sasha, binaba ang tasa ng kape sa mesa matapos niyang sumimsim rito. “ Ikaw ang magiging tulay sa pag-aayos ng pamilya namin. Lalo na ngayong magkaka-anak na kayo at ikakasal, hindi ba dapat magkakasundo tayo dahil magiging isang pamilya na tayo? “ Natahimik si Anna sandali, nag-isip sa mga sinabi ni Sasha. Pakiramdam niya, hindi lang siya dapat ang ma-mroblema sa bagay na’to, kundi pati na rin si Javier. Dalawa sila dapat ang kinakausap, hindi lang siya. “ Gusto mo ba maging haba
Last Updated : 2025-06-12 Read more