CHAPTER 12 Trenta minutos na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin magawang umalis ni Anna sa loob ng isang convenience store na halos isang kanto lang ang layo sa studio ni Javier. Nakakadalawa na siyang balik sa counter upang bumili ng siopao dahil ginugutom siya sa kaba at pagkakabisado ng mga linyang panimula sa oras na magkausap na sila ni Javier. “ Buntis ako at ikaw ang ama. Alam kong nagulat ka dahil kahit ako, hindi ko siya in-expect. Gumagamit naman tayo ng proteksyon kaya confident ako na walang mabubuo pero...pero baka butas iyong condom—” Napatikhim si Anna nang may mapatingin sa kaniyang estudyanteng nasa kabilang table. Napalakas yata ang sinasabi niya kaya tinikom muna niya ang bibig at inilibot ang tingin sa paligid para magpatay malisya. Maraming estudyante ngayon ang nasa loob ng store, mga nakatambay, kumakain at mga naglalaro sa kani-kanilang mga cellphone. Maiingay pa iyong iba kahit ilang beses na silang sinusuway ng staff. Nawala na rin iyong lamig ng aircon
CHAPTER 11 “ Anna? Kumusta? Napatakan mo na ba? “ tanong ni Estrella sa labas ng banyo, kinakatok ang kabadong si Anna na nasa loob ng isang cubicle, hawak ang dalawang pregnancy test na binili nila sa drugstore. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang Mall para kumpirmahin ang isang bagay. Parehong kabado dahil ito ang unang beses na makakita at makahawak sila ng pregnancy test. Kinailangan pa nilang humingi ng tulong sa cashier kung saan sila bumili upang makasiguro na tama ang gagawin at ang resultang makukuha nila. Mayamaya lang ay lumabas si Anna sa cubicle dala ang pregnancy test. Ipinatong niya ito sa lababo saka hinugasan ang nanginginig niyang kamay. “ Este, ikaw na tumingin sa resulta, ha? Sabihin mo na lang saaakin kung isa o dalawa guhit niya. “ “ H-Ha? Teka lang, bakit ako? “ Natatarantang tanong ni Estrella. “ Ikaw ang dapat tumingin kasi sayo ‘yan, Anna. Hindi ko alam kung paano malalaman saka kung saan makikita iyong guhit. “ “ Sa may pa-oval na shape? Dito, oh. “ I
CHAPTER 10 " Isa...dalawa...tatlo..." Pagbibilang ni Anna sa tatlong mapupulang pantal malapit sa kaniyang dibdib. Nanliit ang kaniyang mata habang tinitingnan sa salamin ang isa pang pantal na nasa pagitan ng kaniyang hinaharap, hindi malaman kung kasama ba ito sa binibilang niya or sadyang may pamumula lang. " Apat lahat? " tanong ni Javier na nasa likuran niya, abala sa pasisipilyo ng ngipin. " Oo, apat nga. Ang dami mo na namang ginawa. " Nilingon ni Anna ang binata upang sermunan nang makita naman niya ang mga nasa katawan nito. Napalabi siya at pasimpleng binilang ang mga ito. " Compared mo naman iyan sa ginawa mo saakin? " Natatawang tanong ni Javier, yumuko upang silipin ang mga pantal sakaniyang katawan. " May gigil sa bawat kagat. " " Eh, bakit ba? Ayaw mo na? " tanong ni Anna, nakataas ang isang kilay. " Sinabi ko ba? " Natatawa namang kinurot ni Javier ang pisngi ni Anna bago sya lumapit sa lababo at mag mumog upang tapusin ang pagsisipilyo. Kagat-labing napangiti s
CHAPTER 09 Nanginginig ang mga kamay ni Anna habang nakatayo sa gilid ng kalsada, nag aabang ng jeep na sasakyan niya pauwi subalit ni isa sa mga jeep na dumaan ay puno o ‘di kaya naman ay ibang ruta ang dadaanan. Pinagpapawisan siya nang malamig, kumakabog ang kaniyang dibdib na sinamahan ng paninikip. Hindi niya alam kung alin sa emosyon niya ang ilalabas. “ Anna, sandali lang! “ rinig ni Anna mula sa likuran ngunit hindi na siya nag abalang lumingon nang sa wakas ay huminto na iyong jeep na hinihintay niya. Malalaking hakbang ang kaniyang ginawa para pumunta sa pintuan ng jeep ngunit bago pa siya makahakpang papasok, isang matanda ang napansin niya sa gilid niya, naghihintay na pumasok siya upang makapasok na rin ito sa loob at makaupo. “ Isa na lang ang kasya. Ibigay mo na sa matanda, hija! “ Hiyaw ng jeepney driver kay Anna na nahihiyang humakbang paatras upang ibigay sa matanda ang bakanteng upuan sa loob ng jeep. “ S-Sasabit na lang po ako, Kuya! “ ani Anna habang hinihinta
CHAPTER 08 “ Bakit tumatawa ka mag-isa diyan, Anna? May nakikita ka bang hindi namin nakikita? “ may pag-aalalang tanong ni Luz nang makita ang humahagikhik na si Anna habang nagpupunas ng mga plato at kubyertos. “ Okay ka lang ba, Anna? “ “ Okay lang ako, ate Luz. Sorry, may naalala lang po akong joke na ngayon ko lang na-gets. “ Pagsisinungaling ni Anna, nahihiyang napayuko nag may makahuli sa kaniyang nag d-daydream sa kalagitnaan ng trabaho. Hindi naman bago sa kaniya ang ganito, subalit iyong laman ng utak niya ngayon ay hindi puwedeng ibahagi sa iba. “ Ano naman ‘yon? “ Usisa ni Luz saka naupo sa silyang nasa harap ni Anna. “ Bilis, sabihin mo na habang wala pa akong ginagawa. Nakaka-curious naman yang tawa mo. “ “ Po? N-Naku, mamaya ko na iku-kuwento sainyo, ate Luz. Paparating si Manag Susan. “ Ngumuso sa Anna sa direksyon ni Luz na napalingon sa likuran at nakita ang mayordoma na naglalaad patungo sa kanila. “ Ay, iyong pinagagawa nga pala niya sa kusina, teka. “ Nagm
CHAPTER 07 Mula sa mahimbing na pagkakatulog, nagising si Anna sa pamilyar na ringtone na isang minuto bago niya ma-realize na kaniya kaya dali-dali siyang napabangon mula sa kama para hanapin ang cellphone na natagpuan naman niya kaagad sa mesang nasa gilid niya. “ Hello? “ Bungad niya nang sagutin ang tawag, hindi na niya natignan kung sino ito dahil sa pagkataranta. Minsan lang may tumawag sa kaniya at palaging emergency kaya naman sa tuwing naririnig ang ringtone, kaba ang nangunguna sa kaniya. “ Hello, Anna? Kumusta?“ boses ni Estrella ang nasa kabilang linya. “ Hindi ka kasi nag r-reply sa text ko kaya tumawag na ako at nag-aalala ako sa’yo. Nakauwi ka ba sainyo kagabi? “ “ H-Ha? “ tila wala pa sa realidad ang isip ni Anna dahil sa biglaang gising at bangon. “ Ah, oo nakauwi naman ako saamin nang maayos. Sorry hindi ako nakapag text kagabi dahil sa sobrang pagod, Este. Inabutan din kasi ako ng ulan kaya hindi ako magkandaugaga. “ “ Hmm, ganoon ba? Hayaan mo na, ang maha