Share

CHAPTER 16

Author: janeebee
last update Last Updated: 2025-06-14 22:17:18

CHAPTER 16

Ramdam ni Javier ang init ng mga tingin sa kaniya ng matandang lalaki habang nakaupo sila ni Anna sa kabilang sopa na gawa sa kahoy, sa gilid niya ang bunsong kapatid ni Anna na si Arianne, abala naman ito sa pagkain ng dala nilang miryendang pizza at pansit.

“ Sorry, nakalimutan kitang balaan tungkol kay Lolo. “ Bulong naman ni Anna kay Javier. “ Pero mabait naman siya, huwag kang mag-alala. Nangahoy kasi siya kanina kaya may bitbit na itak. “

Ngumiti na lamang si Javier, hindi pa rin mawala ang kabog sa dibdib niya sa tuwing napapatingin siya sa Lolo ni Anna dahil hanggang ngayon, nakatali pa rin sa baywang nito ang kuluban kung nasaan ang itak.

“ Kailan nga ulit ang kasal niyo? “ tanong ng ina ni Anna, si Joyce. May kapayatan at maliit na babae. Mahaba na abot hanggang balakang ang kulay abo nitong buhok .“ Sa susunod ng buwan na tama ba? May petsa na ba kayong napili? “

“ Wala pa pong eksaktong date pero naisip na po namin na katapusan na para mapaghandaan nama
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 43

    CHAPTER 43 Hindi alam ni Javier kung paano lalabas ng studio niya gayong kumpulan ang mga tao sa labas nito, sinisilip ang dingding gawa sa salamin kung may tao habang tila ba kinakalampag ang pinto para lumabas ang nasa loob. Hindi niya dinig ang mga pinag-uusapan ng mga nasa labas ngunit sa buka ng mga bibig nito, kita niya ang galit at mga sigaw na alam niya kung para saan at para kanino. “ Ang daming tao sa labas, Sir. Paano po tayo makalalabas niyan? “ tanong ng staff ni Javier, bakas ang takot habang nakasilip sa estante na pinagtataguan niya. “ Para silang mga nag r-rally. Tumawag na kaya tayo ng pulis? “ Hindi sumagot si Javier na nahihirapang mag isip sa kung ano ang gagawin niya lalo’t kailangan niya ring lumabas ngayon para hanapin at kausapin ang dalawang staff niya na umalis. Mainit ang mga mata ng tao sa photo studio niya pero hindi niya inasahan na dudumugin siya ngayon. “ Sir, paano tayo niyan? “ Mangiyakngiyak na tanong ng staff kay Javier. “ Nakakatakot pong luma

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 42

    CHAPTER 42 ANONYMUS CONFESSIONS22hr ago[ Itago niyo na lang po ako sa pangalang Mae. 20 years old, graduating students. Ilang gabi na akong hindi makatulog nang maayos dahil sa isang karanasan na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Isa akong freelance model, paraket-raket para may pangbili sa mga pangangailangan ko at may pang-tuition sa pag-aaral ko. Madalang lang magkaroon ng opportunity sa carrer na tinatahak ko kaya kapag mayroong kumatok, kinu-kuha ko agad ang pagkakataon para magkaroon ng raket at siyempre ng pera. Aaminin ko, mukha talaga akong pera kaya kahit maliit ang ibayad, okay lang saakin. Pero nabago ang pananaw ko dahil sa nangyari saakin isang linggo ang nakalilipas. May nagpakilala saaking isang photographer na pangalanan na lang natin siyang si Mr.J. Siguro mga nasa 30’s siya kung pagbabasehan ang hitsura. Mataas siyang lalaki, maputi ang balat at mayroong mga matang kulay tsokolate. Akala ko noong una, isa lang siya sa mga pangkaraniwang photographer n

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 41

    CHAPTER 41 Maingat na binalik ni Anna sa puwesto kung saan niya kinuha ang kahina-hinalang bagay na nakita niya bago tumalikod at bumalik sa lamesa upang buksan ang mga pagkaing dinala ni Javier para sa kaniya. Naupo siya sa silya at tahimik na kumain, subalit ang utak niya’y napuno ng mga katanungang tila ba mga patak ng kandilang pumapaso sa kaniya. May hidden camera sa loob ng kuwarto nila at hindi alam ni Anna kung paano niya ipo-proseso ang katotohanang may nanonood at nakikinig sa mga galaw at pag-uusap nila ni Javier sa loob ng ilang buwang pananatili sa poder ng pamilya nito. Tila ba bumabaliktad ang sikmura niya sa nalaman at nahihirapan siyang lunukin ang laman ng kaniyang bibig kaya agad siyang tumayo para lumayo sa pagkain. Lumabas siya ng kuwarto upang ikalma ang sarili. Saglit siyang natulala sa kawalan hanggang sa bumaba siya ng hagdan upang tumungo sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. “ P*ta...” Mahinang napamura si Anna habang nanginginig ang kamay niyang nags

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 40

    CHAPTER 40 Mariing napalunok si Jessie, pinakiramdaman ang mga tao sa paligid nila na may kaniya-kaniyang mundo. Hindi niya inasahan na siya ang tatanungin ni Anna patungkol sa isa sa pinakamalalang isyu sa pamilya nila na matagal ng kinalimutan ngunit naungkat na naman dahil sa sinu-suspetsang pagkakapareho ng pangyayari sa kasalukuyan. “ Narinig ko kagabi iyong mga naging pagtatalo sa baba...” ani Anna nang makita ang pagdadalawang isip ni Jessie. “ Hindi naman kita pipilitin mag-kuwento kung hindi ka komportable. Gusto ko lang maliwanagan sa mga narinig ko kahapon. “ Mariing lumunok si Jessie at naiilang na tumingin kay Anna. “ A-Ano-ano ba iyong mga narinig mo kahapon? “ “ Iyong tungkol sa nangyari na noon, naulit na naman ngayon...” Nakaramdam nang matinding bigat sa dibdib si Anna sa ideya na paano kung totoo ang mga suspetsa ni Javier sa pagkamatay ng anak nila. “ At iyong tungkol sa nakatatanda niyong kapatid kung bakit mas pinili nitong manirahan sa malayo kahit okay na

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 39

    CHAPTER 39 Kapansin-pansin ang katahimikan sa buong bahay nang bumaba sina Javier at Anna mula sa kanilang kuwarto. Alas nuebe nang umaga, kadalasan ay sumasalubong na sa kanila ang kasambahay na si Vee na abala sa pagwawalis, ngunit nakabibinging katahimikan ngayon ang bumabalot sa salas na animo’y sila lang ang tao sa buong bahay. Patay ang mga ilaw at nakasardo din ang mga blinds sa bawat bintana. “ Kuya? ” mula sa likuran ng dalawa, nagsalita si Jessie na kalalabas lang din halos sa kuwarto. Hindi maipinta ang ekspresyon nito sa mukha habang nagdadalawang isip sa kung anong sasabihin sa dalawa. “ Ngayon...ngayon lang ba kayo bababa? “ Tumango si Javier. “ Aalis din kami kaagad. Babalik kaming clinic. “ Napalabi si Jessie at tumango-tango bago ibaling ang lingon kay Anna. “ Ate Anna, I’m sorry about what happened. Hindi ko sure kung paano kita ma-c-comfort, pero kung kailangan mo ng makakausap or makakasama, nandito lang ako... “ Napayuko si Anna, iniwasan ang tingin ni Jessi

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 38

    CHAPTER 38 “ What’s the commotion here? “ tanong ni Sasha nang maabutan ang pagtitipon-tipon sa kusina ng mga tao sa bahay. Lahat ay hindi maipinta ang mga hitsura, kabaliktaran sa abot-taingang ngiti na mayroon sa labi ni Sasha. “ Anyone? “ “ M-Ma'am Sasha, wala naman po. May ano lang...may tinatanong lang po si sir Javier tungkol sa ano...sa gatas po na iniinom ni Anna.” si Vee ang nagsalita, umaasang mapababa ang tensyon na mayroon sa kusina kung siya ang magpapaliwanang ngunit hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay humakbang na si Javier palapit sa ina na unti-unting nawala ang aliwalas sa mukha nang makita ang madilim na ekspresyon ng anak. Kinuha ni Javier ang kahon ng gatas na hawak ng ama upang iabot ito sa ina. “ Drink it. “ Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Sasha sabay baba ng tingin sa hawak ni Javier. “ Why do I need to drink it? “ “ Para malaman mo iyong sagot sa tanong mo, “ sambit ni Javier dahilan para lalong malito ang ekspresyog nakaukit kay Sasha. “ Serio

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status