Dahil sa hindi ko naman na kwento kina mama, daddy at mommy ang minsan ng pagpapababa sa akin ng mama niya ay maayos na sinalubong nila ito at ni lolo ng dumating sila kinaumagahan. "Tuloy po kayo lolo, madam." Pagpa papasok ko sa kanila ng mapagbuksan ko sila ng pinto. Nagbatian, nagkumustahan sila nina mommy at daddy. "Pasensya na kayo balae, tito Al. Hindi naman kayo mahaharap ng matagal sa ngayon dahil may iba pa kaming aasikasuhing mahahalagang bagay para sa kaarawan ng apo natin." Si papa na nagpapaalam muna sa kanila dahil may pupuntahan pa sila. "Ayos lang iyon, hijo." Si lolo. At naiwan na nga kaming apat mismo sa bahay. Ako, si Nathan, si lolo, at ang mama niya. Si mama naman kasi ay nagpaalam din para naman daw tumulong sa kusina para magluto ng hapunan na pagsasaluhan namin. "Kumusta ka na apo, ang apo ko?" "Ayos lang ako lolo, at maayos lang
Terakhir Diperbarui : 2025-06-29 Baca selengkapnya