THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Marahas na napatayo ako sa kinauupuan ko at pasuntok na dumapo ang kamao ko sa lamesa ng maiwan na lang akong mag isa sa loob.Damn it!Kailan pa siya natuto sa ganung trick at napasakay niya ako. At ako naman ay nagpadala agad dahil sa sabik akong mahalikan, mayakap at madama ang kalambutan ng kanyang katawan."Reallan." Kuyom ko parin ang palad ko habang binabanggit ang pangalan niya at nakatingin na lang ako sa pintuang nilabasan niya. "Hindi mo na ako maiisahan, Reallan. Dahil ikaw ang iikot sa mga palad ko. Ibabalik ko ang dating ikaw na mahal na mahal ako." Gigil na pasumpa ko pa at nanggagalaiti talaga ako sa pagkabitin ko."At dahil sa ginawa mo! Uunti untiin ko ang Jason na iyon bilang kabayaran ng kapangahasan mo." Galit na nilisan ko ang kompanyang binili ko pabalik sa main building ng mga negosyo ko."Good Afternoon, CEO" Mga pagbati sa akin ng mga empleyado ko na hindi ko na magawang sagutin dahil sa galit pa rin na nararamdaman ko.
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-09 อ่านเพิ่มเติม