Tulog pa din sa tabi ko si Craig, habang yakap ako. Kahit na matigas ang higaan ay nagawa pa din niyang matulog ng mahimbing. Sinubukan kong tanggalin ang braso niyang nakapulupot sa aking katawan, ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa akin. Naghintay na muna ako ng ilang minuto bago ko ulit sinubukang makawala. "Huwag kang magulo," inaantok na sabi niya. Ang kaniyang mukha ay sinubsob niya sa aking leeg. Nakikiliti tuloy ako. "Matulog ka lang," sabi ko naman. "Titingnan ko lang kung may tubig na, para makapaghugas na ako.""Mamaya na. Gusto ko pang matulog," ungot naman niya. Bumuntong hininga ako. Mauubusan na naman ako ng pasensya pero inintindi ko na lang siya. Makaraan pa ang ilang minuto ay tuluyan na siyang nagising. Nag-aaway kasi iyong sa katabing bahay. "Akala ko pumasok ka sa trabaho, nasa inuman ka lang pala!" "Huwag kang maingay. Matutulog ako," sagot naman ng lalake. Medyo buhol na ang dila dahil sa kalasingan. "Napakabatugan mo talaga, pero pagdat
Last Updated : 2025-05-06 Read more