Iniba niya iyong palabas, saka dahan-dahan na naupo sa kama, habang hawak ang kaniyang tiyan. Napaungol pa siya nang makaupo siya. "Masakit pa?" tanong ko naman. Hindi ako dapat mabait sa kaniya, pero hindi ko naman maiwasang makaramdam ng awa lalo sa sitwasyon niya. Kung bakit kasi ang kulit niya? Sumama pa kasi siya sa bahay at pinilit kumain sa mga pagkain na hindi naman niya nakasanayan. "Nanghihina ako..."Kita ko na bahagyang nanginginig ang kaniyang mga binti. "Mahiga ka na muna. Magpahinga ka," bilin ko naman. "Mamaya, tatalab na din iyong gamot na ininom mo.""Okay..." Mahina ang kaniyang boses. "Masakit kapag gumalaw ako," nakangiwi niyang sabi. "Eh, di, huwag ka kasing gumalaw," sabi ko naman. "May tubig pa?"Inabot ko sa kaniya iyong isang bote ng mineral. Binilhan ko siya ng tatlong bote na tag-kalahating litro. Ako na ang nagbukas dahil nanginginig din pala ang mga kamay niya. "Kung magpa-ospital ka na lang kaya," sabi ko sa kaniya. "No. I'm fine."Eh, hinang
Terakhir Diperbarui : 2025-04-22 Baca selengkapnya