Nina“RESPETO man lang sa yumao na, Miss,” seryosong saad ni Marie.“Nagtatanong lang naman ako, a.” Tumingin sa akin si Ma’am Geneva. “Nasa kanya naman ‘yon kung sasagutin niya ako o hindi. Hindi ba, Nina?”Tumaas ang kilay ni Marie. “Then, ‘wag mong sagutin, Nina. Hindi mo kailangang mag-explain sa iba.”Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Kai. “Here,” ani ni Kai, sabay bigay ng ticket ni Marie at Geneva.Napansin ni Kai ang mukha ko kaya bahagyang kumunot ang noo niya. “Are you okay?” Ngumiti ako. “Okay lang.” Sumulyap ako kay Geneva na may ngiti sa labi. Para sa akin, kakaiba ang ngiti niya.“Uwi na lang tayo kung masama na ang pakiramdam—”“Okay lang ako,” agaw ko sa sasabihin niya.Saglit niya akong tinitigan bago tumango. Pero iginiya niya pa rin ako sa bench. Hindi na sumunod ang dalawa dahil hinila din ni Marie si Ma’am Geneva at pumila na sa ferris wheel.“Doon na lang kaya muna tayo?” Tinuro ko ang pop balloon dart kaya tumango si Kai. Doon, nag-enjoy akong kasama
Last Updated : 2025-09-27 Read more