Nina's POV “Morning, Ma,” nakangiting bati ko kay Mama. Saglit na tinitigan ako bago nagsalita. “Mukhang maganda ang gising mo, anak.” “Opo.” “Kumusta naman ang pag-uusap niyo ni Dr. Carl?” “Gumaan po ang pakiramdam ko, Ma.” Ngumiti ako nang natamis. “Kaya salamat po ng marami.” “Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo kailangang lumayo. Nandito naman kami.” “Pero kaya ko po ito, Ma.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Kapag nandoon kasi ako, lagi ko na lang naaalala sila. Kaya hindi rin okay sa akin. Dito, marami akong nakakausap at nakakahalubilo. Kahit papaano, nalilibang ako.” Bumuntong-hininga si Mama. “Kailangan ko nang bumalik sa atin. Kahit na sabihing marami kang kaibigan dito, hindi iyon ikakapanatag ng isip ko. Paano kung malaman nila 'yan?” “Hindi naman na po siguro mauulit 'yon.” Kinuha ni Mama ang mga kamay ko. “Ingatan mo kasi ang puso mo, anak. Piliin mo na lang maging masaya, please?” Marahan akong tumango kay Mama bago niya ako kinabig para yakapin. Magaan sa pakiramd
Terakhir Diperbarui : 2025-09-14 Baca selengkapnya