Nina’s POVSaka lang tuluyang bumuhos ang mga luha ko nang makalabas ako sa unit ni Kai. Para akong nalunod sa bigat ng hangin sa paligid, naninikip ang dibdib ko habang unti-unting naging malinaw ang katotohanan sa akin. Sa huling pagkakataon, ilusyon na naman pala ang lahat ng pinaniwalaan ko. Ginamit lang pala ako ni Kai, ang mga matatamis na salita, mga titig na akala ko’y totoo, lahat iyon para lang makapaghiganti… para makuha ang lupang iniwan ng mga lolo’t lola ko.Bawat hakbang ko palabas ng elevator ay parang hinihiwa ang puso ko. Ramdam ko ang bigat ng mga paa ko, para bang ayaw ko nang umusad pero pinipilit kong lumayo sa lugar na iyon.Pagdating ko sa labas ng building, sinalubong ako ng kapatid kong si Carl. Nang makita niya ang pag-iyak ko na hindi ko na kayang pigilan, mabilis niya akong kinabig at niyakap nang mahigpit na para aluhin ako. Sa ginawa niya, unti-unting gumagaan ang bigat na nararamdaman ko.“Everything will be alright, Nina,” mahinahon niyang bulong habang
Last Updated : 2025-10-01 Read more