Phoebe's POVMaaga akong nagising ngayon at nasa harapan ko na si Darius.Mukhang nag-iba ata ang lasa ng pagkain ngayon. Mukhang masarap siya kaysa sa dating luto ni manang. Hindi ko mapigilan ang purihin ang luto niyang ito. Magpapaturo nga ako sa kanya kung paano niya ito niluluto. “Phoebe,” tawag ni Darius kaya mabilis ko agad itong nilingon. Hindi ko pa rin siya pinatawad dahil sa ginawa niya sa akin kahapon. Nabitin ako, oo. Inaasahan kong may mangyayari sa amin pero wala. Siguro naapektuhan pa rin siya kay Janine.Iniisip niya pa rin siguro ang babaeng ‘yun. Mula kasi noong lumitaw ang babaeng ‘yun ay hindi na niya ako ginalaw. Sa bagay, ano ba ang laban ko roon?Pero ang mga sinabi niya sa lola niya kagabi, aaminin kong lumambot ang puso ko roon. “Ano ‘yun?” tanong ko sa kanya.“Did you like the food?”“Oo, masarap siya.” Sabi ko sa kanya. “Really?” “Oo,”“Good to know that. By the way, samahan mo ako mamaya. We’ll buy a dress for Quila,” sabi nito.“Sige,” tanging sagot
Last Updated : 2025-07-02 Read more