“I SAID, what are you doing here?!” tanong ulit ni Darius. Bigla akong kinikilabutan sa klase ng pagbanggit niya sa mga katagang ‘yun. Bigla siyang naging tunog demonyo. “Leave,” dagdag pang sabi niya sa babae. Gusto kong magsalita pero walang lumabas na salita mula sa aking bibig. “D–Darius, I need to talk to you.” Sabi ng babae. Nang tingnan ko si Darius, kitang-kitang ko kung paano gumalaw ang kanyang panga. Parang ako ang kinakabahan sa klase ng mga titig niya. Parang anumang oras ay kakain siya ng tao.Ngayon ko lang siya nakitang ganito kung magalit. Oo iba siya kung magalit dahil nagmumukha siyang isang tigre. Pero ngayon, nagmumukha siyang halimaw. “Go to our room, Phoebe!” Striktong saad nito. “Pero—”“I said, go to our room!” Singhal niya. “Darius, wait! I wanna talk—” Hindi agad siya natapos sa pagsasalita dahil agad na nagsalita si Darius. Sino ba itong babaeng ‘to?“Don't ever come back here, Janine! I don't want to see you again!” Sabi nito.Janine?Sino si Janine?
Dernière mise à jour : 2025-06-15 Read More