"Pasensya na talaga, Kuya, hindi ko sinasadya." Ngayon lang na-realize ni Reinella ang ginawa niya. Mabilis niyang pinunasan ang manggas ng damit ni Reed."Okay lang," sabi ni Reed na nahahaluan ng pagkatuwa at awa."Ang bait mo talaga, Kuya, salamat. Puwede bang isa pa?" sabi ni Reinella habang muling ginagamit ang manggas ng sweater ni Reed para punasan ang sipon."Ang kapal mo," bulong ni Reed."Madumi na rin naman 'to, Kuya. Labahan ko na lang mamaya. Responsible naman ako," wala ng hiya-hiyang sabi ni Reinella."Sige, bahala ka," sabi ni Reed habang hinubad ang sweater at ibinigay kay Reinella."Ano'ng nangyari pagkatapos? Gusto kong malaman ang buong kwento," tanong ni Reed. Hanggang ngayon, pira-piraso lang ang alam niya."Alas dos ng madaling araw, naglakad ako papuntang ospital, bitbit si Miggy. Ang tahimik noon—bagong subdivision pa lang kasi at maraming puno. Habang malakas ang ulan, tumakbo ako na karga si Miggy. Natakot talaga ako nang may tumunog na kulog. Pero wa
続きを読む