"Kuya, ate, maraming salamat sa tulong ninyo." Pinahid ni Reinella ang luha at pinunasan ang dugo sa labi mula sa mga sampal nina Carmina, Maria, at Tanya. "Walang anuman, dapat lang na makawala ka sa pamilyang 'yan," sabi ni Aiko, isa sa mga kaibigan niya sa unibersidad. Ang mga pumunta sa café ay mga kaklase ni Reinella. Kaya lang nila nirecord ang mukha nina Tanya, Maria, at Carmina—ayon sa hiling ni Reinella na huwag isama ang mukha niya. Ang pagbugbog sa tatlo ay dahil sa galit nila sa kayabangan ng mga ito. "Maraming salamat talaga. Kung wala kayo, hindi ko alam ang mangyayari sa akin. Patuloy sana akong binubugbog nila." Nanginginig ang boses ni Reinella nang alalahanin kung paano siya saktan ng mga ito kanina. Naikwento na niya ang buhay niya sa mga kaibigan, kaya nang magpatulong siya para makipagkita kay Carmina, agad silang pumayag. "Rei, bata ka pa, maganda ka, matalino, at marami ka pang pangarap. Huwag mong hayaang sirain nito ang pag-aaral mo," payo ng
Read more