"Hindi ba't ikaw ang laging magaling mang-insulto ng iba. Tumingin ka sa salamin, tingnan mo ang sarili mo. Sa totoo lang, ayokong ilantad ang kahihiyan mo sa publiko. Pero sobra ka na kaya wala na akong choice kundi ibulgar ang mga kapintasan mo. Mula ngayon, wala na tayong relasyon bilang mag-asawa. Ibig sabihin, wala na akong karapatan sa'yo, at wala ka na ring karapatan sa akin," mariin na sabi ni Ernesto."Kahit hindi mo na ako asawa, obligasyon mo pa rin akong sustentuhan," malakas na sagot ni Carmina."Ayon sa batas, may karapatan ang dating asawa na makatanggap ng sustento mula sa dating esposo kung may anak na nag-aaral pa. Pero wala nang dependent si Ginang Carmina, dahil kahit ang bunso nilang anak ay may trabaho na at mataas ang posisyon. Kaya wala nang obligasyon si Ginoong Ernesto na sustentuhan ang dating asawa," paliwanag ng abogado."Hindi mo ba sinabi na lumpo na ako? Tingnan mo nga ako, paano ako makakapagbigay ng sustento sa'yo?" Natawa nang may pagkamangha si Er
Read more