"Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ng manghuhula, Mariya? Alam mo, hindi totoo ang hula. Probinsiya kasi 'to. Sa Maynila, wala namang ganun. Saka hindi ako naniniwalang malas ka. Swerte ang pamilya mo sa 'yo, swerte ako at nakilala kita." kasalukuyang nag-aalmusal si Ralph at Mariya. Napansin ni Ralph na nakatulala lang si Mariya sa pagkain kaya pinalalakas niya ang loob nito. Maagang gumising si Mariya para ipaghanda si Ralph ng makakain bilang kagabi ay natulog na lang ito at hindi na niya naipaghanda ng makakain. Masaya si Mariya sa pagdating ni Ralph ngunit nalulungkot siya dahil ss sinabi ng manghuhula na nabanggit na rin niya kay Ralph. "Pero natatakot ako na baka magkatotoo. Paano kung isang araw ikaw naman itong mapahamak?" Hindi naman din siya naniniwala sa hula pero dahil nga sa nangyari sa kaniyang pamilya ay punong puno ng takot ngayon si Mariya. "Basta huwag kang matakot. Kung mapahamak man ako, hindi mo kasalanan yon. Basta masaya ako dahil nandito na ako kasama mo.
Last Updated : 2025-08-08 Read more