“Ay, Drei, ijo! Ikaw pala iyan. Ano at napadalaw ka?” nakangiting bati ng isang matandang babae na nilapitan nina Andrei at Aviannah.“Aling Kosing, ipinabibigay po kasi ni lolo sa inyo ang mga ito,” magalang na tugon ni Andrei kay Aling Kosing.“Ay, ano ang mga ito?” tanong ng matandang babae saka nito sinilip ang supot na inabot ni Andrei. “Ay, para saan ang mga ito? Bakit nag-abala pa siya?”“Ang sabi lang po niya ay ibigay namin sa inyo ang mga ito.”“Salamat, ijo huh. Pakisabi sa lolo mo,” nakangiting wika ni Aling Kosing kay Andrei at pagkuwan ay marahan itong bumalin ng tingin kay Aviannah. Agad namang ngumiti ang dalaga sa matandang babae. “Ikaw pala, ija. Nagagalak akong makita kang muli.”“Masaya rin po akong makita kayong muli,” nakangiting tugon ni Aviannah sa matanda.“Kumusta na ba ang pakiramdam mo? Ayos ka naman ba?” tanong pang muli ni Aling Kosing kay Aviannah.“Opo, salamat po sa inyo dahil okay na okay naman na po ako,” magalang na tugon ni Aviannah kay Aling Kosin
Terakhir Diperbarui : 2025-09-20 Baca selengkapnya