CHAPTER 34: AGE GAP "Vlad, mamaya po, ah?" hiling ko sa kanya nang mai-handa ko na ang lahat ng gamit ko. Papunta ako kina Erica para sa kanya magpa-ayos ng mukha at buhok. Naroon pa kasi ang make-up kit ko at 'yong mga products na ginagamit ko sa kulot na buhok ko. Mas naaalagaan ko na iyon ngayon dahil may nag-sponsor at nagturo sa akin kung paano alagaan ang 2B na istilo ng buhok ko. Gusto kong maayos iyon mamaya at hindi buhaghag tignan dahil mas humahaba na iyon. Mas mataas na tuloy ang confidence ko ngayon na huwag nang ipilit na gawing unat ang buhok ko! Tumango-tango siya habang nakangiti. "Yes, baby! Seven PM, right? I'll be there at six-thirty,," pangako niya bago kinuha sa akin ang bag na dala ko kung nasaan ang uniporme, at iyong shoe box na may handle kung nasaan ang sapatos ko. Umaga pa lang ngayon at mamayang gabi pa gaganapin ang Moving Up Ceremony namin. Si Vladimir naman, papuntang
Last Updated : 2025-05-07 Read more